Steppe

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang steppe /is·tep/ (hango sa Russian: степь, "steppe") sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Steppe. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.