Sonny Angara

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Juan Edgardo "Sonny" Angara ay isang pulitiko at abogado. Siya ay anak ng dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas at dating senador na si Edgardo Angara. Nahalal siya sa kongreso bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Aurora. Kasalukuyan siyang nakaupo bilang senador sa ilalim ng Partido Liberal.

Personal na Buhay

Ipinanganak noong Hulyo 15, 1972, 41 taong gulang, si Sonny Angara ay anak nina Senador Edgardo Angara at Gloria Angara, isang datng guro at tumatayong Punong Tagapangasiwa ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Si Sonny at ang kanyang maybahay na si Elvira Echauz at biniyayaan ng tatlong anak.

Edukasyon

Nagtapos si Sonny ng edukasyon sa mababa at mataas na paaralan sa Xavier School sa Munisipalidad ng San Juan, Kalakhang Maynila. Nagtapos naman siya ng kanyang undergraduate studies sa London School of Economics and Political Science sa Inglatera. Kumuha siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan kasapi siya ng Editorial Board of the Philippine Law Journal, the Debate Society, at the Order of the Purple Feather.

Taong 2000 nang matapos niya ang abogasya at sa parehong taon ay naipasa niya ang pagsusulit sa Bar. Itinuloy ni Sonny ang kanyang post-graduate legal studies at natapos niya ang Master of Laws (LL.M.) sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts, USA taong 2003.

Naging Trabaho at Karera sa Politika

Nagtrabaho si Sonny bilang associate attorney sa Angara Abello Concepcion Regala & Cruz (ACCRA) law firm, hanggang sa pansamantala siyang umalis sa firm para muling mag-aral. Matapos ang pag-aaral sa kolehiyo ay saglit siyang naging mag-aaral sa Philippine Mission to the United Nations sa New York. Nagtrabaho rin siya bilang clerk sa bangko, naging mananaliksik at manunulat ng artikulo sa mga pahayagan.

Taong 2004 nang mahalal si Sonny Angara sa Kongreso bilang kinatawan ng Nag-iisang Distrito ng Aurora, at muling nahalal sa ikalawang termino niya sa kongreso, taong 2007, at muli sa ikatlong termino, 2010. Siya ang tumayong Tagapangulo ng House Committee on Higher and Technical Education kung saan naging kasaping ex-officio siya sa Board of Regents ng University of the Philippines.

Tinanghal din siyang isa sa prosekusyon bilang tagapagsalita ng kongreso sa paglilitis sa Impeachment na isinampa laban sa Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na si Renato Corona.

Mula sa pagiging pulitiko ay napasok na rin ni Sonny ang mundo ng showbiz dahil ipinakilala si Kongresista Angara bilang bagong endorser ng Blackwater Elite perfume collection ng Ever Bilena.

Noong Oktubre 3, 2012 ay nagsumite ng kanyang certificate of candidacy sa COMELEC si Kongresista Angara.

Mga Gawad at Pagkilala

Si Sonny Angara ay kasama sa mga tumanggap ng prestihiyong gawad na Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa taong 2010, kasama sina Senador Alan Peter Cayetano, CNN Hero 2009 Efren Peñaflorida, at pinsan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Mga Panukalang Naisabatas

Sa ikalabing apat na Kongreaso ay nakapagsumite siya ng pinakamaraming mahahalagang batas, at ang naipasang panukalang batas ng lehislatura ay naisakatuparan bilang isang ganap na batas matapos pirmahan ng pangulo.

  • PERA Law (Personal Equity Retirement Account - the Philippines version of the 401k)
  • Magna Carta para sa Kababaihan
  • Civil Aviation Act
  • Pre-Need Code
  • National Cultural Heritage Law
  • University of the Philippines Charter
  • Tourism Act
  • Renewable Energy Law
  • Credit Information System
  • Tax Relief For Minimum Wage Earners Law
  • Real Estate Investment Trust Law
  • Creation of COMSTE (Congressional Commission to Review State of Competitiveness of Science, Technology and R & D in the Philippines)
  • Juvenile Justice Law
  • Salary Standardization Law
  • Aurora Special Economic Zone
  • Aurora Marine Research Center
  • Creation of various National High Schools and State Universities
  • Health Worker's Day

Mga Panukalang Batas

  • Preschool Act
  • Freedom of Information Act
  • Political Party System Act
  • Schoolbuilding Act
  • Mercury Regulation Act
  • Cybercrime Act
  • Marine Pollution Regulation Act
  • Students Transport Discount Act
  • Expanded Students Voucher System

Kontrobersiya

Lumikha ng ingay ang itinakdang P353-million budget ng kongreso sa susunod na taon para sa pagtatayo ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (Apeco) na labis na tinutulan ng mga residente sa lugar.

Nagmartsa ang mga magsasaka para hilingin kay Pangulong Aquino na repasuhin ang pagtatayo ng economic zone sa 12,000-ektarya na lupain sa liblib na coastal town sa Casiguran, Aurora dahil iyon diumano ang magsasadlak sa kanila sa kahirapan. Nangangahulugan din iyon na maitataboy sa teritoryo ang 23,000 katao.

Ang isyu sa kapaligiran din ang tinutukan ng grupo dahil posibleng makapinsala sa kalikasan ang pagtatayo ng economic zone sa lugar sa kabila ng iginigiit na pagbabago ng mga Angara.

Si Senador Edgardo Angara at ang kanyang anak na si Kongresista Juan Edgardo “Sonny” Angara ang nagpanukala ng batas na nagtataguyod ng APECO, na kauna-unahang economic zone sa Pacific coast at tanging daungan na nakaharap sa Silangan.

Sa isyu ng plagiarism na kinasangkutan ni Senador Tito Sotto ay ipinagtatnggol ito ni Sonny sa pagsasabing pagkakamali iyon ng tauhan ni Sotto dahil silang mga senador at kongresista ay may tagasulat ng kanilang mga talumpati dahil sa dami ng trabaho nila at sa dami ng binabasa ay wala na silang oras para magsulat pa.

Mga Sanggunian