Soledad S. Reyes

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Soledad S. Reyes ay premyadong kritiko, guro, at istoryador na pampanitikan. Isinilang siya noong 5 Marso 1946. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas, Essex University sa England, Ateneo de Manila University, at Maryknoll College. Siya ay may titulong doktorado sa Araling Filipinas; masterado sa Sosyolohiya sa Literatura; Masterado sa Literatura; at Batsilyer sa Sining sa dalawang unibersidad.

Sinulat sa Ingles ni Reyes ang lagom ng mahigit 100 nobelang Tagalog, at siyang tinumbasan naman ng salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo para sa Filipiniana.net.

Mga Aklat

Maraming sanaysay ang naisulat ni Reyes at ang karamihan nito ay isinaaklat. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang sumusunod:

  • Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: Mga Piling Sanaysay (1976–1996);
  • Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitikan (1992);
  • The Romance Mode in Philippine Popular Literature and other Essays (1991);
  • Ang Nobelang Tagalog (1905–1975): Tradisyon at Modernismo (1992);

Nakapag-edit na rin ng mahigit 10 aklat at kabilang dito ang sumusunod:

  • The Noli me tangere, A Century After: An Interdisciplinary Perspective (1987);
  • Ang Ginto sa Makiling at iba pang Kuwento ni Macario Pineda (1990);
  • Ang Silid na Mahiwaga (1994);
  • Collected Works of Lina Flor (2000).

Mga Parangal

Tumanggap ng sari-saring parangal si Reyes ay kabilang dito ang mula sa Manila Critics Circle, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Pamahalaang Lokal ng Lungsod Quezon, Linangan ng Wika (Komisyon sa Wikang Filipino ngayon), at Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

Binigyan din siya ng grant ng mga tanyag na institusyon, gaya Fulbright University, RP-US Research Grant, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, at Toyota Foundation Grant.

Sanggunian

2000 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Souvenir Program. Lungsod Quezon: Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, p. 11.

Panlabas na Kawing

Para sa karagdagang impormasyon, dumalaw sa Filipiniana.net.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Reyes, Soledad S. Reyes, Soledad S. Reyes, Soledad S. Reyes, Soledad S.