Sitolohiya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
May kaugnayan ito sa mga selula, para sa may kaugnayan sa mga pagkain pumunta sa sitolohiya (ng pagkain).

Ang sitolohiya (Ingles: cytology; mula sa Griyegong, kytos, "isang maugong"; at -logia) ay ang pag-aaral sa mga selula.

Ang sitolohiya ay isang sangay ng buhay na agham o biyolohiya na nag-aaral at tumatalakay ng mga selula, sa kayarian, tungkulin at kimika ng mga ito, kung paano nabubuo ang mga ito, at sa galaw ng mga bahagi o parte ng mga selula.

Batay sa gamit, maaaring tumukoy ito sa:

  • Sitopatolohiya - ang pag-aaral ng mga sakit na pangselula at ang gamit ng pagbabagong pangselula para sa pagsusuri ng sakit.
  • Biyolohiya ng selula - ang pag-aaral ng (normal) na anatomiyang pangselula, tungkulin at kimika.