Sisa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Sisa ay isa sa mahahalaga at popular na tauhan ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Kadikit ng kaniyang pangalan ang pagiging baliw. Hindi siya pinalad sa lalaking napangasawa ngunit mayrooon siyang dalawang natatanging yaman sa mundo—sina Crispin at Basilio.

Inilarawan siya ni Rizal na “mahina ang loob, may malaking puso kaysa utak, at walang ibang nalalaman kundi umibig at tumangis.” Pinatanda siya ng kalupitan ng kaniyang asawa. Gayunpaman, bago siya pinatanda ng kalupitan ng kaniyang asawa, siya ay isang maganda at kagiliw-giliw na dalaga. May mapupungay na mata, may ilong na maganda ang hugis, may kaakit-akit na mga labi, at may balat na kulay kayumanggi.

Isang gabi, hinintay niya ang pag-uwi ng dalawang anak na sakristan ngunit isa lamang ang napagbuksan niya ng pinto. At siya ay tumangis nang malaman ang nangyari kay Crispin.

Hindi natanggap ni Sisa ang kamatayan ng bunsong anak at siya ay nabaliw.

Napakalungkot ng naging wakas ng buhay ni Sisa. Naging saksi si Basilio sa kinahantungan ng ina at sinunog niya ang bangkay nito kasama ng bangkay ni Elias.

Sanggunian

Jose Rizal, Noli Me Tangere, salin ni Virgilio S. Almario. (Makati City: Don Bosco Press, Inc., 2010).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.