Simoun

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Simoun ay isang tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Isa siyang mayamang mag-aalahas na palaging may suot na salaming may kulay. Tinatawag rin siyang Cardinal Moreno o Eminencia Negra dahil sa kulay ng kaniyang balat. Malapit siyang kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral na una niyang nakilala sa Cuba. Sa pamamagitan ng kaniyang kayamanan ay nagawa niyang maging kapitan heneral ang kaibigan.

Sa simula ng nobela ay tanging si Basilio ang nakakaalam sa totoong pagkatao ni Simoun. Siya si Crisostomo Ibarra na nagbalik sa bansa matapos ang labintatlong taon para maghiganti sa mga prayle at opisyal na naging dahilan ng kaniyang kasawian. Ayon kay Simoun, inuudyukan niyang maging masama ang Kapitan Heneral para mapilitan ang taong bayan na maghimagsik.

Nang hindi magtagumpay ang kaniyang planong pagpapasabog sa piging, nagpunta si Simoun kay Padre Florentino. Uminom siya ng lason at isinalaysay sa pari ang kaniyang buhay.

Mga Sanggunian

Ang Filibusterismo: Karugtong ng Noli me Tangere, salin ni Patricio Mariano binisita noong 18 Mayo 2021

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.