Simbahan ng Barasoain

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas noong 15 Setyembre 1898; ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong 29 Setyembre 1898 hanggang 21 Enero 1899; at ang pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899.[1]

Sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo Blg. 260, iprinoklama ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang simbahan bilang isang pambansang liwasan noong 1 Agosto 1973.[2]

Ito ngayon ang nasa likod ng sampung pisong papel, at ito din ay naging tanawin para sa mga turista.

Mga Sanggunian

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.