Silog

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang silog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga Pilipino. Ang katawagang ito ay kombinasyon ng dalawang salita: ang sinangag at pritong itlog. Kadalasang ipinapares ang silog sa iba’t ibang ulam, kadalasang tapa, longganisa o hamon. Ang pangalan ng isinamang karne ay nagtatakda ng pangalan ng silog, halimbawa, ang tatlong nabanggit ay nakikilalang tapsilog, longsilog, at hamsilog.

Sinangag at Itlog

Ang sinangag ay ang tirang kanin mula sa hapunan na iniluluto tuwing umaga bilang almusal. Hindi tulad ng bagong saing na kanin, mas matigas ang sinangag. Ito ay iniluluto sa ginisang bawang sa mantika. Tumitigas ang sinangag kapag ito ay medyo tinutusta bago ilagay sa plato.

Nagsimula ang silog bilang pangmadaliang agahan ng mga trabahador na nais simulan ang kanilang araw na puno ang tiyan. Noong 1986, nagtayo ng kantina si Vivian Del Rosario na tinawag na “Tapsi ni Vivian at Bulaluhan.” Swak sa badyet ng masang Pilipino ang tapsi ni Vivian!

Dahil sa popularidad ng lutuin, may mga fast food chain at hotel sa Pilipinas ang naghahain ng silog sa pang-almusal na menu.

Mga uri ng silog

Toci-Longsilog, isang silog na may tocino at longganisa
Spamsilog, isang uri ng silog na may Spam

Kasunod ng paglikha ng tapsilog, marami pang uri ng silog ang nabuo, lahat batay sa sinangag at pritong itlog at hinuhulapi ng -silog. Dahil madaling pakibagayan, maaaring maging silog ang anumang pagkain kung ihahain kasama ng sinangag at pritong itlog.

Kinabibilangan ang mga dinaglat na halimbawa (nakaayos ayon sa alpabeto) na karaniwang makikita sa mga silugan:

  • Adosilog – adobo, sinangag, at itlog.
  • Bacsilog o baconsilog – bacon, sinangag, at itlog.
  • Bangsilog – bangus, sinangag, at itlog.
  • Bisteksilog – bistek, sinangag, at itlog.
  • Daingsilog – daing, sinangag, at itlog.
  • Dangsilog – danggit, sinangag at itlog.
  • Chiksilog o noksilog – pritong manok, sinangag, at itlog.
  • Chosilog – chorizo, sinangag, at itlog.
  • Cornsilog – corned beef, sinangag, at itlog.
  • Hotsilog – hotdog, sinangag, at itlog.
  • Litsilog o lechonsilog – litson o lechong kawali, sinangag, at itlog.
  • Longsilog – longganisa, sinangag, at itlog.
  • Masilog o malingsilog – Ma-Ling, sinangag, at itlog.
  • Porksilog – pork chop, sinangag, at itlog.
  • Sisilog - sisig, sinangag, at itlog.
  • Spamsilog – Spam, sinangag, at itlog.
  • Tosilog o tocilog – tosino, sinangag, at itlog.

Ang pares, isa pang karaniwang pangmadaliang pagkaing Pilipino, ay maaaring maging “paresilog” o “paressilog” kung inihain kasama ng pritong itlog, dahil parehong may sinangag ang dalawang putahe ayon sa kaugalian.

Mga Sanggunian

Limos, Mario Alvaro. “The History of Tapsilog and Where It All Began.” Esquire, 29 Hulyo 2019. https://www.esquiremag.ph/culture/food-and-drink/history-of-tapsilog-a00293-20190729-lfrm2. Accessed 29 Hulyo 2022.

Savillo, Dianne Zarina. "'Silog' breakfast meals that are Pinoy favorites."  Cebu Daily News, 9 Setyembre 2020. https://cebudailynews.inquirer.net/338552/silog-breakfast-meals-that-are-pinoy-favorites. Accessed 29 Hulyo 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.