Silent Sanctuary

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Silent Sanctuary
Silent Sanctuary.jpg
{{#ev:youtube|yBN87LcCAcM|280}}Ikaw Lamang by Silent Sanctuary
Uri: Pop Rock
Pinagmulan: Manila, Philippines
Taong aktibo : 2004–kasalukuyan
Label: Universal Records
Kaugnay:
URL: silentsanctuary.com
Mga Miyembro: Sarkie Sarangay (gitarista, bokalista),

Anjo Inacay ( sa cello), Chino David (sa biyolin), Paolo Legaspi (sa bajo), at Allen Calixto (sa tambol)

Mga Dating Miyembro:
Natataging Instrumento:

Ang Silent Sanctuary ay isa sa mga bandang Filipino na may temang "alternative rock." Ito ay binubuo ng mga miyembrong sina Sarkie Sarangay (gitarista, bokalista), Anjo Inacay (sa cello), Chino David (sa biyolin), Paolo Legaspi (sa bajo), at Allen Calixto (tagatambol). Ang grupo ay naging kakaiba dahil sa kanilang paggamit ng klasikong instrumento tulad ng biyolin, bukod sa kontemporaryong instrumentong karaniwang ginagamit ng mga banda tulad ng gitara at tambol. Ang paggawa nila ng album na Fuchsiang Pag-ibig noong 2007 ang nagsilbing ningas upang makilala sila sa mundo ng banda sa Filipinas.

Kahulugan

Ang mga salitang Silent Sanctuary sa salitang Filipino ay nangangahulugang isang tahimik na lugar na nakapagbibigay kapayapaan sa damdamin ng isang taong doon ay nananahan. Ito ay isang lugar na maaaring pinagkukuhanan ng lakas at inspirasyon ng isang tao. Sa isang panayam sa grupo, kanilang sinabi ang mga sumusunod na kataga, Template:Cquote

Kasaysayan

Ang Silent Sanctuary ay nagsimula bilang 3-kataong rakistang banda at binuo noong 2001 nina Norman Dellosa (boklista at gitarista), Paolo Legaspi (bahista), at Allen Calixto (tagatambol). Bilang isang nagsisimulang grupo, sinubukan nilang haluan ng klasikong estilo ang kanilang musika upang magkaroon ito na kakaibang tunog. Dito pumasok ang ika-apat nilang miyembrong si Anjo Inacay (sa cello), kaklase ni Norman sa mataas na paaralan.

Noong 2002, sila ay lumabas sa UnTV In the Raw. Pinakiusapan ni Anjo si Jett Ramirez na lumikha ng isang areglo sa gitara para sa kanilang pagtatanghal. Di nagtagal ay ginawa nang regular na miyembro sina Jett at Chino David. Mula nuon ay palagi na silang tumutugtog sa mga restoran at mga gimikan. Naging tampok rin sila sa MTV Lokal. Noong Pebrero 2004 ay inilabas ang kauna-unahan nilang album na Ellipsis of the Mind sa Millenia Bar and Cafe sa Kamuning.

Ang Fuchsiang Pag-Ibig, na kanilang ikalawang album ay inilabas noong 19 ng Abril 2007, sa ilalim ng pamamahala ng Universal Records. Dito, pinalitan ni Sarkei Sarangay si Norman bilang bokalista.

Mga Album

Year Single Album
2004 Kahapon Ellipsis of the Mind
Sleep to Dream
Talgang Ganyan
Game Over
2008 Ikaw Lamang Fuschiang Pag-ibig
Ingat Ka lyrics
Kismet
Nagtahan
Panaginip
Parol
Pink 5Ive
Rebound
Sandali Lang
Summer Song
Yesterjester

Impluwensiya

Ang kakaibang musika ng grupo ay bunga ng iba't ibang musikero tulad ng Dave Matthews Band, Bob Marley, Goo Goo Dolls, Joe Satriani, Greenday, Metallica, Apocalyptica, at ibang lokal na banda tulad ng The Eraserheads, Barbie's Cradle, at Sugarfree.

Parangal

  • MYX Music Awards 2008
Nominado para sa kategoryang Song of the Year: Ikaw Lamang
Nominado para sa kategoryang Favorite New Artist: Silent Sanctuary
  • 2006 NU Rock Awards
In The Raw Awardee
  • RX 93.1's Top 7 OPM Year Ender Countdown nuong 2007
Ikalawa: Rebound at Ikaw Lamang

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.