Silangang Asya

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Silangang Asya ay ang silangang rehiyon ng Asya. Matatagpuan dito ang mga bansang Tsina, Japan, Mongolia, North Korea, South Korea, at Taiwan. Nasa hilaga nito ang Siberia, nasa silangan ang Timog-silangang Asya, nasa timog-kanluran ang Timog Asya, at nasa kanluran ang Gitnang Asya. Nasa silangan naman nito ang Karagatang Pasipiko at nasa timog-silangan ang Micronesia.

Itinuturing ang Silangang Asya, partikular ang kabihasnang Tsina, bilang isa sa kauna-unahang pinagmulan ng kabihasnan sa mundo. Ang iba pang halimbawa ng mga sinaunang kabihasnang mula sa Silangang Asya na nagpapatuloy hanggang ngayon ay ang mga kabihasnang Hapon, Koreano, at Mongolian.

Namayagpag ang kabihasnang Tsina sa loob ng libong taon. Kaya malaki ang naging impluwensiya nito sa mga katabing bansa. Ang mga talasalitaan at paraan ng pagsulat sa Silangang Asya ay kadalasang hinango mula sa Tsina. Ang kalendaryo ng ibang bansa sa Silangang Asya ay ibinase rin sa kalendarya ng Tsina.

Ang mga pangunahing relihiyon sa Tsina, Hong Kong, Macau, at Taiwan ay ang Budismo, Confucianism, Neo-Confucianism, at Taoism; Shintoism sa Japan; at Kristiyanismo at Sindoism sa Korea. Ang mga pangunahing wika sa rehiyon ay Mandarin Chinese, Hapon, at Koreano.

Naninirahan ang 1.7 bilyong tao sa Silangang Asya. Ito ay kumakatawan sa 38% ng populasyon sa Asya at 20.5% ng populasyon sa mundo. Dito matatagpuan ang mga kabisera tulad ng Beijing, Hong Kong, Seoul, Shanghai, Taipei, at Tokyo. Dito rin matatagpuan ang pinakamalalaki at pinakamauunlad na mga ekonomiya.

Mga Bansa at Teritoryo

Bansa/Teritoryo Lawak km2 Populasyon

(2018)

Kabisera
China 9,640,011 1,427,647,786 Beijing
Hong Kong 1,104 7,371,730 Hong Kong
Macau 30 631,636 Macao
Japan 377,930 127,202,192 Tokyo
Mongolia 1,564,100 3,170,216 Ulaanbaatar
North Korea 120,538 25,549,604 Pyongyang
South Korea 100,210 51,171,706 Seoul
Taiwan 36,197 23,726,460 Taipei
Silangang Asya 11,840,000 1,683,205,624

Mga Pangkat Etniko

Ethnicity Populasyon Wika Sistema ng Pagsulat
Intsik 1,313,345,856 Chinese (Mandarin, Min, Wu, Yue, Jin, Gan, Hakka, Xiang, Huizhou, Pinghua, at iba pa) Chinese
Hapon 125,117,000 Hapon Kanji, Katakana, Hiragana
Koreano 79,432,225 Koreano Hangul, Hanja
Bai 1,858,063 Bai, Southwestern Mandarin Chinese, Latin
Hui 10,586,087 Northwestern Mandarin, iba pang diyalektong Chinese, Huihui language, at iba pa Chinese
Mongol 8,942,528 Mongolian Mongol, Cyrillic
Zhuang 18,000,000 Zhuang, Southwestern Mandarin, at iba pa Chinese, Latin
Uyghur 15,000,000+ Uyghur Arabic, Latin
Manchu 10,422,873 Northeastern Mandarin, Manchu Chinese, Mongol
Hmong/Miao 9,426,007 Hmong/Miao, Southwestern Mandarin Latin, Chinese
Tibetan 6,500,000 Tibetan, Rgyal Rong, Rgu, at iba pa Tibetan
Yi 8,714,393 Various Loloish, Southwestern Mandarin Yi, Chinese
Tujia 8,353,912 Northern Tujia, Southern Tujia Chinese
Kam 2,879,974 Gaeml Chinese, Latin
Tu 289,565 Tu, Northwestern Mandarin Chinese
Daur 131,992 Daur, Northeastern Mandarin Mongol, Chinese
Indigenous Taiwanese Peoples 533,600 Austronesian languages (Amis, Yami) at iba pa Latin, Chinese
Ryukyuan 1,900,000 Hapon, Ryukyuan Kanji, Katakana, Hiragana
Ainu 200,000 Hapon, Ainu Kanji, Katakana, Hiragana

Mga Relihiyon

Relihiyon Petsa ng Pagkakatatag Pangunahing Aklat Bilang ng Tagasunod Pangkat Etniko
Chinese folk religion 5000 na ang nakararaan mga Chinese classic, Huangdi Sijing, mahahalagang scroll, at iba pa ~900,000,000 Han, Hmong, Qiang, Tujia
Taoism 125 A.D. Eastern Han dynasty Tao Te Ching ~20,000,000 Han, Zhuang, Hmong, Yao, Qiang, Tujia
Silangang Asya/Intsik na Budismo 67 A.D. Eastern Han dynasty Diamond Sutra ~300,000,000 Han, Korean, Yamato
Tibetan na Budismo 1800 taon na ang nakararaan Anuttarayoga Tantra ~10,000,000 Tibetan, Manchu, Mongol
Shamanism Bago naitala ang kasaysayan N/A N/A Manchu, Mongol, Oroqen
Shintoism panahong Jōmon Kojiki, Nihon Shoki N/A Yamato
Shindo/Muism 900 taon na ang nakararaan N/A N/A Koreano
Ryukyuan N/A N/A N/A Ryukyuan

Mga Kapistahan

Kapistahan Ibang Pangalan
Lunar New Year Spring Festival
Korean New Year Seollal
Losar or Tsagaan Sar White Moon
New Year Yuan Dan
Lantern Festival Upper Yuan Festival
Daeboreum Great Full Moon
Hanshi Festival Cold Food Festival
Qingming Festival Tomb Sweeping Day
Dragon Boat Festival Duanwu Festival/Dano (Surit-nal)
Ghost Festival Mid Yuan Festival
Mid-Autumn Festival
Chuseok Hangawi
Double Ninth Festival Double Positive Festival
Lower Yuan Festival
Dongzhi Festival
Small New Year Jizao
International Labor Day
International Women's Day

Mga Sanggunian

  • Andreas Anangguru Yewangoe, "Theologia crucis in Asia", 1987 Rodopi
  • Holcombe, Charles (2017). A History of East Asia: From the Origins of Civilization to the Twenty-First Century. Cambridge University Press. p. 13. ISBN 978-1107544895.
  • Kim, Chongho (2003). Korean Shamanism: The Cultural Paradox. Ashgate. ISBN 9780754631859.
  • Kort, Michael (2005). The Handbook Of East Asia. Lerner Publishing Group. p. 7. ISBN 978-0761326724.
  • Szonyi, Michael (2017). A Companion to Chinese History. Wiley-Blackwell. p. 90. ISBN 978-1118624609.
  • Wang, Yuchen; Lu Dongsheng; Chung Yeun-Jun; Xu Shuhua (2018). "Genetic structure, divergence and admixture of Han Chinese, Japanese and Korean populations". Hereditas. 155: 19. doi:10.1186/s41065-018-0057-5. PMC 5889524. PMID 29636655.
  • Wang, Yuchen; Lu, Dongsheng; Chung, Yeun-Jun; Xu, Shuhua (2018). "Genetic structure, divergence and admixture of Han Chinese, Japanese and Korean populations". Hereditas (published April 6, 2018). 155: 19. doi:10.1186/s41065-018-0057-5. PMC 5889524. PMID 2963665
  • "East Asia in the 21st Century | Boundless World History". courses.lumenlearning.com. Retrieved 2019-11-25.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.