Sierra Madre

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Bumabagtas mula sa lalawigan ng Cagayan sa hilaga at Quezon sa timog, binubuo ng mga bundok ang silangang pundasyon ng Isla ng Luzon, ang pinakamalaking pulo ng kapuluan. Kahangga nito ang Karagatang Pasipiko sa silangan. Ang baybaying Pasipiko ng Luzon sa may Sierra Madre ay di-gaanong maunlad dahil binubuo ng mga matayog at tuloy-tuloy na kabundukan ng baybayin na makapal at mahirap puntahan, na nakalantad sa buong puwersa ng hilaga-silangang balaklaot at mga alon ng Karagatang Pasipiko.[1] Napakalayo ang mga iilang komunidad sa silangan ng bulubundukin at sa may babayin na mapupuntahan lang sila sa pamamagitan ng eroplano o barko.

Ang pinakamalaking protektadong lugar ng bansa, ang Likas na Liwasan ng Hilagang Sierra Madre, ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng bulubundukin sa lalawigan ng Isabela. Ang liwasan ay nasa pansamantalang talaan ng UNESCO upang itatak sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana. Hinihimok ng mga makakalikasan, iskolar, at dalub-agham ang gobyerno na isama pa ang mga ibang liwasan na bahagi ng bulubunduking Sierra Madre para sa pook ng UNESCO na sumasaklaw ng buong bulbunduking Sierra Madre mula sa lalawigan ng Cagayan hanggang sa Quezon.[2]

Heograpiya

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Sa hilaga, nagsisimula ang saklaw sa lalawigan ng Cagayan at nagtatapos sa timog sa lalawigan ng Quezon. Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, nakakabit ang mga bundok ng Caraballo sa saklaw ng Sierra Madre Mountain kasama ang Kabundukan ng Cordillera.

Ang bulubundukin ay nagsisilbing pangharang sa bagyo sa pamamagitan ng pagbawas ng mga epekto ng mga bagyong mula sa Karagatang Pasipiko bago marating ang gitnang kalupaan.[3]

Mga malalayong pamayanan

Ang ilang mga pamayanan sa baybayin sa silangan ng mga bundok ng Sierra Madre, lalo na mula sa Palanan, Isabela na patungo sa hilaga hanggang sa pinakamalawak na dulo ng kalupaan ng Cagayan, ay napakalayo at nakahiwalay na walang mga kalsada na nagkokonekta sa mga bayan sa kanluran ng bulubundukin. Ang mga bayan tulad ng Palanan, Divilacan at Maconacon, Isabela ay maaabot lamang ng eroplano mula sa Cauayan o pagsakay sa bangka mula sa lalawigan ng Aurora, timog ng Isabela o mula sa Santa Ana, Cagayan, hilaga ng lalawigan. Ang kalsadang Ilagan City - Divilacan na babagtas sa bundok ng Sierra Madre malapit nang makumpleto.[4]

Pinakamataas na punto

Ang pinakamataas na punto ng bulubundukin ay hindi maliwanag, at maraming mga taluktok ay puwedeng sabihing pinakamataas. Ang Bundok Anacuao sa lalawigan ng Aurora ay may taas na 6,069 talampakan (1,850 m), habang ang Bundok Cetaceo sa Cagayan ay halos magkatulad ang taas. Gayunpaman, nasukat ng isang ekspedisyon noong Setyembre at Oktubre 2012 ang Bundok Guiwan (Nueva Vizcaya) na may taas na 6,283 talampakan (1,915 m) sa rurok.

Mga pambansang parke

Ibang mga protektadong lugar

Mga aktibong bulkan

  • Bulkang Cagua isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Cagayan na huling sumabog noong 1907

Mga katutubong specie

Sa kagubatan noong Abril 2010, ang mga endemikong Northern Sierra Madre Forest monitor lizard, o Varanus bitatawa (karaniwang pangalan: Butikaw) ay nailarawan sa agham, ngunit matagal nang kilala at ginagamit ng mga katutubong Aeta at Ilongot ito bilang isang mapagkukunan ng pagkain.

Mga aktibidad ng tao

Ang teritoryo ng bundok ng kagubatan ng Sierra Madre ay nababanta ng mga aktibidad ng tao. Ang mga naninirahan sa ibabang bahagi ng mga libis sa pangkalahatan ay sinusuportahan ng trabaho sa pagputol ng puno at paggawa ng uling. Ang ilang mga bahagi ng takip ng kagubatan ay naging mga pangalawang kagubatan.

Tingnan din

Talasanggunian

  1. U.S. Coast and Geodetic Survey (1919). "United States Coast Pilot Philippine Islands Part 1", pg. 44. Government Printing Office, Washington.
  2. Coursey, Oscar William (1903). History and Geography of the Philippine Islands. Educator School Supply Company. 
  3. Christian (2011-06-13). "Palanan and Maconacon". Off the Beaten Track in the Philippines. Retrieved on 2014-09-28.