Serbis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Serbis(film)

Ang Serbis ay isang pelikulang Pilipino sa ilalim ng direksiyon ni Brillante Mendoza. Ito ang pangatlong pelikulang Pilipino na nakasama sa Cannes International Film Festival. [1] Binibigyang-pansin sa pelikula ang mga isyu hinggil sa sekswalidad at buhay pamilya tulad ng bigamya, hindi inaasahang pagbubuntis, insesto, at iba pa. [2]

Serbis (Service)
160px

{{#ev:youtube|Ny8cXQjVSIE|330}}
Director: Brillante Mendoza
Writer: Armando Lao, Boots Agbayani
Starring: Mercedes Cabral
Coco Martin
Gina Pareño
Jacklyn Jose
Julio Diaz
Kristoffer King [3]
Music : Gian Gianan
Cinematography : Oddyssey Flores
Editing : Claire Villareal
Released: 2008
Run time: 93 minutos
Country: Philippines
Language: English
Tagalog
Filipino
Budget: 0.5 M PhP

Buod

Umiikot ang istorya ng pelikula sa buhay ng pamilya Pineda na naninirahan sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Ang pamilya ay nakatira sa isang lumang gusali kung saan din nila pinapatakbo ang isang lumang sinehang nagpapalabas ng mga seksing pelikula. Si Nanay Flor (Gina Pareño); Nayda (Jacklyn Jose) at ang kanyang asawang si Lando (Julio Diaz); at ang kanilang ampon na si Jewel (Roxanne Jordan) ang namamahala sa ticket booth at kantina. Samantala, si Alan (Coco Martin) ang gumagawa ng mga karatula at si Ronald (Kristoffer King) naman ang projectionist.

Ang lahat ng miyembro ng pamilya ay may kinakaharap na pansariling suliranin. Natalo sa kasong isinampa niya laban sa dating asawa si Nanay Flor. Naguguluhan naman ang puso ni Nayda dahil sa pagmamahal na nararamdaman niya sa kanyang pinsan na si Ronald samantalang nasisikil si Alan sapagkat hindi pa siya handang pakasalan ang kasintahang nabuntis.

Dahil abala sa kanilang mga pangsariling suliranin, hindi nila alam na may ibang kalakalan sa loob ng sinehan sa pagitan ng mga lalaking bayaran at mga bading.

Mga tauhan

Mga tao sa sa likod ng kamera[4]

  • Brillante Mendoza - Direktor
  • Armando Lao - Iskriprayter
  • Odyssey Flores - Direktor na Photograpiya
  • Gian Gianan - Musika
  • Claire Villareal - Editor
  • Ferdinand Lapuz - Prodyuser
  • Didier Costet - Ehekutibong Prodyuser

Mga parangal

Taon Kategorya Parangal Resulta
2009 Best Picture Gawad Urian Nakamit
2009 Pinakamahusay na Direktor Gawad Urian Nakamit
2009 Best Production Design Gawad Urian Nakamit
2009 Best Cinematography Gawad Urian Nakamit
2008 Pinakamahusay na DIrektor Golden Palm Award sa Cannes International Film Festival Nominado

Mga pagsisiyasat

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pagsisiyasat na ginawa para sa pelikulang Serbis [5]:

  • "SUPERB, UTTERLY COMPELLING, GRITTY YET TENDER."

Los Angeles Times - Kevin Thomas

  • "A CELLULOID SPECTACLE...BURNS A HOLE IN THE SCREEN."

The Village Voice - J. Hoberman

  • "GENTLE, BAWDY AND AT TIMES RAMBUNCTIOUSLY, TICKLISHLY RUDE."

The New York Times - Manohla Dargis

  • "A DRAMA THAT PULSATES WITH INTENSITY AND HUMANITY."

San Francisco Chronicle - Jonathan Curiel

  • "AN EGAGING DOMESTIC DRAMA AND STYLISHLY SEAMY HOMAGE"

The Hollywood Reporter - Maggie Lee

Sanggunian

  1. Brillante’s Serbis competes in Cannes, binisita noong: 25 Mayo 2011
  2. Buod ng Serbis, binisita noong: 25 Mayo 2011
  3. Mga Tauhan sa Serbis, binisita noong: 25 Mayo 2011
  4. Mga Indibidwal sa Likod ng Serbis, binisita noong: 25 Mayo 2011
  5. Mga pagsisiyasat sa Serbis, binisita noong: 25 Mayo 2011


Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.