Senakulo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang senakulo, mula sa salitang Espanyol na cenaculo, ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari sa huling yugto ng buhay ni Hesukristo. Ito ay itinatanghal lamang tuwing Mahal na Araw. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripos. Kadalasan itong ginaganap sa patyo ng simbahan. Matitingkad ang kulay ng mga kasuotan ng mga gumaganap na kawal na Romano at iba pang personalidad sa Bibliya. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. [1]

Sa senakulo, inilalarawan ang mga paghihirap at pagtitiis ni Hesukristo. Isa rin itong panawagan para sa pagsisisi o pagtitika sa kasalanan ng mga deboto.

Tradisyon sa Iba’t ibang Lugar

Tatlong araw ginaganap ang senakulo dito. Nagsisimula sa araw ng Miyerkules Santo at nagtatapos sa araw ng Biyernes Santo. Ang diyalogo ng mga tauhan ay kadalasang patulang binibigkas. May ilang bahagi ng iskrip nito ang halaw sa pasyon. Hinahaluan na rin ng komedya at epektong biswal ang makabagong bersiyon ng senakulo.[1]

Kilala ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, and Pampanga sa paglulunsad ng mga senakulo. Isa pa sa pinakatanyag na senakulo ay ang ginaganap sa Marinduque, na tinawag na Pista ng Moriones.

May dalawang samahan ng mga senakulista sa Bulacan na sandaang taon nang naglulunsad ng senakulo. Ito ay ang Samahang Matiyaga Senaculista ng San Sebastian (Hagonoy) at ang Tikay Senaculo Group (Malolos). [2]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Jayson D. Petras, ed. Virgilio S. Almario. “Senakulo.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas, Edisyong 2013. Filipinas Institute of Translation, Inc. PDF.
  2. Dino Balabo. “Senaculo still lives on in Bulacan after 91 years.” Philstar.com, 21 Abril 2011.https://www.philstar.com/nation/2011/04/21/678182/senaculo-still-lives-bulacan-after-91-years. Accessed 9 Marso 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.