Seiko Usui

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Seiko Usui o mas kilala sa tawag na O Sei San ay isa sa mga babaeng nagkaroon ng relasyon kay Jose Rizal noong panahong siya ay nasa Hapon. Siya ay anak ng isang samurai.

Deskripsyon

Inilalarawan si O Sei San bilang isang mahiyaing babae subalit may mataas na kaalaman sa wikang Ingles at Pranses.

Relasyon kay Rizal

Dahil sa malalim na kaalaman sa kulturang Hapon, si O Sei San ang nagpakilala at nagturo kay Rizal kung paano magsulat at magpinta ng katutubong letra ng Hapones. Ang dalaga rin ang naging kasama ni Rizal sa mga paglalakbay sa iba't ibang lugar ng bansa.

Sinasabing kung hindi dahil sa pagmamahal sa bayan, magpapasyang manirahan at pakasalan ni Rizal si O Sei San kasabay ng magandang trabahong inaalok ng gobyerno ng Espanya sa Hapon.

Naging Buhay

Nang umalis si Rizal sa Hapon, si O Sei San ay nagpakasal kay Alfred Charlton, isang Briton na guro sa Hapon. Sila ay nagkaroon ng isang anak na babae na nagngangalang Yuriko.

Sanggunian

Ocampo, Ambeth O Sei San Philippine Daily Inquirer (Hinango noong Hulyo 27, 2010)

Jose Rizal.ph(Hinango noong Hulyo 27, 2010)