Seamen's Wives Association of the Philippines, Inc.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang Seamen's Wives Association of the Philippines, Inc. (SWAPI) ay isang organisasyon ng mga asawa ng magdaragat (seamen) sa Filipinas na itinatag noong 30 Disyembre 1973, upang magsilbing forum ng kanilang mga hinaing, mithiin, pananaw, at suliraning kinakaharap hinggil sa mga ahensiyang humahawak sa empleo ng kanilang mga asawa.

Deskripsyon

Ang Seamen's Wives Association of the Philippines ay binuo sa Parañaque, Lungsod Maynila at inirehistro sa Securities and Exchange Commission noong 29 Marso 1979.

Ang pangunahing layunin ng organisasyong ito ay harapin ang panglipunan at pangsikolohiyang pangangailangan ng mga miyembro nito. Nilalayon din nitong magkaroon ng pagkakaibigan, pagkakaisa, at pagtutulungan ang mga miyembro lalo na sa panahon ng kalamidad at suliranin (na may kinalaman sa empleo ng mga magdaragat) na kanilang haharapin.

Ang samahan ay ang ika-77 miyembro ng Civic Assembly of Women of the Philippines na ngayon ay tinatawag na National Council of Women in the Philippines. Sa pagkakasapi nito sa NCWP, ang Memorandum of Agreement sa Seamen's Welfare Fund (ngayon ay Overseas Workers Welfare Administration na) ay nalagdaan.

Proyekto

  • Credit union — Ito ang tumutugon sa pangangailangang pananalapi ng mga miyembro lalo na kapag nahuhuli ang padalang pera ng kanilang mga asawa. Taong 1980 nang ito ay naging isang kooperatiba.
  • Programang pang-iskolar — Para ito sa mga di-gaanong mapalad na kabataan na may magulang na hindi na aktibo dahil matanda na, may sakit, o namatay.
  • Pagpupulong, kumperensiya, pagsasanay na pangkabuhayan, at seminar — Ginaganap ang mga ito dahil sa lumalaking bilang ng miyembro. Ito ay ginaganap sa mga bakanteng silid-aralan ng School of the Deaf and Blind sa Lungsod Pasay.
  • Dental at medikal na misyon - Isinasagawa ito sa School of the Deaf and Blind sa Lungsod Pasay. Nagbigay ang samahan ng kagamitan para sa palaruan ng eskuwelahan, mga damit, at laruan para sa mga estudyante nito at sa mga bata sa mahihirap na lugar.
  • Aktibidad para makapaglagom ng pera — Kabilang sa gawaing ito ang paglalaro ng bingo at loterya at ang pagpapalabas ng konsiyerto.
  • Programa sa radyo — Isinasahimpapawid ng SWAPI ang kalagayan at pangyayari sa mga magdaragat at kanilang mga pamilya sa kamay ng mapariwara nilang mga ahensiya doon sa Radio Veritas kasama si Dr. Luz Espiritu at Sonny Sision pati na rin sa programa ni Jojo Taduran na pinamagatang "Pulong Pulong sa Kaunlaran".
  • Kumperensiya pambansa at pang-internasyonal - Ito ay tungkol sa buhay pamilya at usaping pang-gobyerno, tulad ng isyu sa eleksiyon, estratehiyang pangkabuhayan, pagnenegosyo at proyektong pangkabuhayan; idagdag pa ang kumperensiya tungkol sa pangkaragatang usapin tulad ng "Employment Contract of Filipino Seafarers," "Upgrading Courses according to IMO Standards on the White List," at "Welfare Benefits of Seafarers and Their Families."

Sanggunian

  • Hango sa Seamen's Wives Association of the Philippines, Inc." 100 Centennial Celebration - Feminist Movement in the Philippines 1905- 2005. Lungsod Quezon: Vibal Publishing House, Inc., 2005. (noong 3 Marso 2008)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.