Sari-sari store

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sari-sari Store ay isang maliit na tindahan na tanyag sa Pilipinas. Isa itong maliit na negosyo ng mga Pilipino na napasama na sa kanilang kultura at tradisyon.

Iba-iba

Ang sari-sari store ay galing sa terminong pinoy na "sari-sari" na ang ibig sabihn ay iba-iba. Ang tindahan ay karaniwang itinatayo sa may labas ng bahay at ang nagtitindi sila ng iba't ibang mga produkto katulad ng inumin, pagkain, sigarilyo, mga gamit panlaba, laruan, kendi at iba pa. Ayon sa batikang manunulat ng kasaysayan, ang sari-sari store ay maaring nagsimul noong panahon ng dinastiya ng Sung, noong nagsimulang magkaroon ng tradisyon ng pagpapalitan ng produkto ang mga Filipino at mga Tsino. Noon 1930, makikita sa kasaysayan ng Pilinas ang paglago ng maliit na negosyong ito. Ang mga immigranteng Tsino ay nagbigay puhunan dito ay pinalago ang kani-kanilang mga negosyo. Ang mga Tsino ang nanguna sa pagbenta ng espesyal na mga produkto para sa iba't ibang oras ng araw. Sa umaga, nagtitinda sila ng pandesal, sa hapon naman ay mais con yelo at saba con hielo, at halo-halo pagdating ng tag-araw.

Kahalagahan

Binibigyang pagkakataon ng sari-sari store ang pamayanan na makuha nila ang kanilang pangangailangan sa pinakamadaling paraan. Sa Pilipinas, ang konsepto ng "tingi" o pagbili ng katiting ay napapaloob sa kulturang hinugis ng sari-sari store. Ang mga sari-sari store ay nakakatulong din sa pamamagitan ng pagtitipid. Sa mga probinsya, hindi na kailangan ng mga tao na pumunta pa sa malalayong pamilihan para makabili ng kanilang mga kailangan. Ang mga may-ari ng mga tindahang ito ay bumibili sa mga malalaking pamilihan sa pamamagitan ng pagbili ng mga bulto-bultong mga produkto. Minsan ang mga malalaking kompanya ay hinahatiran ang mga tindahan na ito ng kanilang mga produkto, gaya ng mgainumin at mga gasolina.

Kultura

Ang sari-sari ay napakaloob na sa kultura ng mga Pilipino. Ang mga tindahan ito ay naglalagay ng mga upuan sa kanilang harapan at kadalasan ang mga tao sa komunidad ay doon nagkwekwentuhan at ginagawa nila tambayan. Minsan naman doon sila nagiinuman. Dito nakakuha ng mga lokal na balita ang mga Pilipino at maging ang konsepto ng "tsismis" ay maaring nanggaling sa kulturang ito.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.