Sandatahang Lakas ng Pilipinas

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay ang pambansang tagapagtanggol at bantay ng Pilipinas, at may punong tanggapan sa Kampo Heneral Aguinaldo sa kahabaan ng EDSA, Lungsod Quezon. Binubuo ito ng tatlong sangay: ang Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army), ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas (Philippine Air Force), at ang Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy).

Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nagmula sa Philippine Scouts noong panahon ng Amerikano. Pormal na itinatag ito sa bisa ng Commonwealth Act No. 1 na kilala bilang National Defense Act of December 21, 1935.

Nakamit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang sukdulang kapangyarihan nang maging galamay ito ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos nang ipataw niya sa buong kapuluan ang Batas Militar noong 1973, at supilin noon ang lumalakas na protesta mulang Bagong Hukbong Bayan-Partido Komunista ng Pilipinas hanggang Bangsa Moro National Liberation Front (MNLF). Naging puwersa rin ang nasabing sandatahan upang pabagsakin o panatilihin sa poder ang pangulo ng Pilipinas, at maibibilang dito ang mga kudeta sa panahon ng administrasyon mula kina dating Pangulong Corazon Aquino hanggang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasaysayan

Itinatag ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa Philippine Scouts noong 1901. Dahil sa malapit na relasyon sa gitna ng Pilipinas at ng Amerika, itinuring ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na pinakamatatag na programa para sa proteksiyon ng bansa sa buong Asya, lalo na noong dekada ’50 at ’60.

Mga bahagi

Binubuo ang Sandatahang Lakas ng Hukbong Katihan (Army), Hukbong Dagat (Navy) at Hukbong Himpapawid (Air Force). Binubuo ito ng “Philippine Fleet” at “Marine Corp.” May sampung dibisyon ang Sandatahan na binubuo ng Light Armor Division, Scout Ranger Regiment, Special Operations Command, Engineering Battalion, Artillery Regiment, Presidential Security Group, at Light-Reaction Companies. Ang mga miyembro ng Hukbong Dagat ay itinatalaga sa Sangley Point sa Cavite, Zamboanga, at Cebu. Ang mga miyembro naman ng Hukbong Himpapawid ay mayroong limang dibisyon na binubuo ng Air Defense, Tactical Operations, Air Education and Training, Air Logistics and Supply, at Air Reserves. Ang mga pangunahing institusyon na humuhubog sa mga nais maging bahagi ng Sandatahan ay ang National Defense College at Philippine Military Academy.

Mga opisyal

Ang Pangulo ng Pilipinas ang may kapangyarihan bilang “Commander-in-Chief” ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sinusundan ng Kalihim ng National Defense. Sumunod dito ang Pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ang kanyang bise. Kasama rin ang Heneral ng Hukbong Katihan, Hukbong Dagat at Hukbong Himpapawid.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Sandatahang Lakas ng Pilipinas Sandatahang Lakas ng Pilipinas