Samira Gutoc

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Samira Ali Gutoc ay isang Pilipinong Muslim, lingkod-bayan, mamamahayag, environmentalist, at tagasulong ng karapatan ng kababaihan. Naging kasapi siya ng Regional Legislative Assembly of the Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng Bangsamoro Transition Commission, na naatasang bumuo ng borador ng Bangsamoro Basic Law. Siya ay kumakandidato bilang senador sa Halalan 2022 sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko.

Si Gutoc ang tagapagtatag ng Asian Peace Alliance, na kaasosasyon ng Asia-Pacific Peace Research Association. Nagsusulat din siya para sa writes for Asian Muslim Action Network at nagtatag ng Ranao Rescue Team, isang grupong nagboboluntaryo sa mga sibilyang naging biktima sa Lababan sa Marawi.

Noong Halalan 2019, kumandidato rin siya sa pagkasenador ngunit natalo.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.