Samaon Sulaiman

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Samaon Sulaiman ay isang Pilipino na kasapi ng tribung Maguindanawon sa Mamasapano, Maguindanao. Siya ay isinilang noong 3 Marso 1953. Siya ay pinagkalooban ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) noong 1993 dahil sa kaniyang natatanging kaalaman at ibayong pagpupunyagi sa pagtugtog ng kutyapi, lalo na sa panahon na hindi ito ginagamit sa ilang bahagi ng Mindanao. Kasama niyang pinarangalan ang Kutyapi Artist ng Maganoy, Maguindanao.

Si Sulaiman ay dalubhasa sa pagpapatugtog ng kutyapi, isa sa mga tradisyonal na isntrumentong pangmusika sa Pilipinas na mahirap patugtugin. Ang kutyapi ay may dalawa lamang na kuwerdas. Sa gulang na labintatlo, natutuhan na niya ang pagpapatugtog nito. Mahusay rin siyang magpatugtog ng kulintang, agung, gandingan, palendang, at tambol.

Kilala rin siya bilang barbero at imam sa kanilang lugar.

Namayapa si Sulaiman noong 21 Mayo 2011.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.