Sa mga Kababaihan ng Malolos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Sa mga Kababaihan ng Malolos (To The Young Women of Malolos) ay isang liham na isinulat ni Jose Rizal noong 1889 para sa mga kababaihan ng Malolos. Isinulat niya ang liham bilang suporta sa 20 kababaihan sa Malolos na humiling na magkaroon ng paaralan para sa kanila.

Sa kagustuhang maitaas ang antas ng edukasyon para sa kababaihan sa panahong ng Espanyol na lipunang patriyarkal, minabuti ng 20 kababaihan ng Malolos sa pamumuno ni Doña Alberta Santos-Uitangcoy na humiling kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler na noon ay dumalaw sa Malolos na payagan silang magtayo ng paaralang pambabae at payagang mag-aral ng Espanyol sa ilalim ni Propesor Teodoro Sandico na kilalang kalaban ng mga Kastila. Ang liham ay ipirinisinta noong Disymebre 12, 1888 ngunit tinutulan ito ng Kura ng Malolos na si Padre Felipe Garcia, sa dahilang diumano ay magagamit ni Sandico ang paaralan para maghasik ng liberalismo at pag-aalsa,dahil dito hindi naisakatuparan ang paaralan.

Hindi sumuko ang mga kababaihan at muli silang humiling na pagbigyan ang kahilingan at sa pagpasok ng 1889 ay pinahintuluitan ng Gobernador Heneral na buksan ang paaralang pangkababaihan sa kondisyon na ang magiging guro ay si Doña Guadalupe Reyes sa halip na si Teodoro Sandico.

Sa tagumpay na ito ng mga Kababaihan ng Malolos sa tapang na ipinakita,ipinarating ni Marcelo H.Del Pilar kay Jose Rizal ang balita at pinapurihan ni Rizal ang mga dalagang kababaihan sa pamamagitan ng isang liham na pinamagatang "Sa mga dalagang kababaihan ng Malolos" ang sulat ay ipinadala sa Malolos, Bulacan noong Pebrero 22, 1889.