Sa Pagdating Ng Tamang Panahon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Sa Pagdating Ng Tamang Panahon ay ang istorya nina Anne at Jake na isinulat ni Zoila. At ang muling pagbubukas ng kanilang mga puso na ayaw na sanang magmahal muli bunga ng mga naunang kasawian. Subalit lubhang makapangyarihan ang kaway nang pag-ibig na nakayang burahing lahat ang bakas ng isang mapait na kahapon. Natagpuan na lamang nila ang mga sariling bilango ng pagmamahal para sa isat isa.

Pangkalahatang Buod

Minsan ay sadyang pinagtatagpo ng tadhana ang dalawang sugatang puso upang tulungang mapaghilom ang kirot ng bawat isa. Ngunit kadalasan ay mapaglaro ang pagkakataon- dahil sa kirot ng unang mapait na karanasan, may pasubali ang pagtanggi upang muling buksan ang puso at salubungin ang pagpasok ng isang bagong pag-ibig.

Mananatiling nakakubli ang multong nananakot ngunit sa pagpupunyaging harapin ang anumang pangamba ay mahahawan ang daan upang malaya ang maging pagdating ng tamang pag-ibig... sa tamang panahon.

Sanggunian

Zoila. Sa Pagdating Ng Tamang Panahon.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Sa Pagdating Ng Tamang Panahon Sa Pagdating Ng Tamang Panahon