SM Supermalls

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang SM Supermalls o mas kilala sa SM (mula sa Shoemart) ay isang malaking pamilihan na pagmamay-ari ni Henry Sy, Sr. ng SM Prime Holdings, Inc. Mayroon itong apatnapu't tatlong malls sa Pilipinas maging sa Tsina at Guam.

Kasaysayan

Sinimulan ni Henry Sy Sr. noong 1958 ang Shoemart, isang maliit na tindahan ng mga sapatos sa Maynila. Matapos ang dalawang taon, lumaki ito at naging isa sa mga naunang bagong pamilihan sa Makati at Cubao.

Noong dekada ditenta, naging isang ganap na Department Store ito at tinawag na SM. Nagkaroon ito ng mga sangay sa Makati Commercial Center sa Makati; na sinundan ng SM Cubao sa [[Lungsod Quezon; SM sa Harrison Plaza sa Malate, Maynila; at sa Iloilo, ang unang sangay sa labas ng Kalakhang Maynila.

Lumawig ito noong dekada otsenta at nagkaroon ng supermarket, at home appliance center, hanggang sa pormal na buksan ang unang “Supermall” noong 1985 sa Lungsod ng Quezon, at tinawag na SM City.

Noong 1990, binuksan naman ang SM City Sta. Mesa at SM Megamall noong 1991 na nagbigay-hudyat sa kaganapan sa pagmo-mall. Naging bahagi ng buhay ng milyung-milyong Pilipino ang pagpunta, pamamasyal o pamimili sa mga mall nang buksan ang mga sumunod pang SM Malls sa Kalakhang Maynila at mga probinsiya.

Noong 2006, binuksan ang SM Mall of Asia, ang pinakamalaking mall sa bansa at ikatlo sa buong mundo.

Mga Sangay

Narito ang listahan ng mga sangay ng SM Malls sa iba't ibang panig ng Pilipinas:

  • SM City Bacolod
  • SM City Bacoor
  • SM City Baguio
  • SM City Baliwag
  • SM City Batangas
  • SM City Bicutan
  • SM City Cagayan De Oro
  • SM City Calamba
  • SM City Cauayan
  • SM City Cebu
  • SM City Clark
  • SM City Consolacion
  • SM City Dasmariñas
  • SM City Davao
  • SM City Fairview
  • SM City General Santos
  • SM City IloIlo
  • SM Lanang Premier
  • SM Center Las Piñas
  • SM City Lipa
  • SM City Lucena
  • SM Mall of Asia
  • SM City Manila
  • SM City Marilao
  • SM City Marikina
  • SM City Masinag
  • SM Megamall
  • SM Center Molino
  • SM Center Muntinlupa
  • SM City Naga
  • SM City North EDSA
  • SM City Novaliches
  • SM City Olongapo
  • SM City Pampanga
  • SM Center Pasig
  • SM City Rosales
  • SM City Rosario
  • SM City San Fernando Downtown
  • SM City San Lazaro
  • SM City San Pablo
  • SM Southmall
  • SM City Sta. Mesa
  • SM City Santa Rosa
  • SM City Sucat
  • SM City Tarlac
  • SM City Taytay
  • SM Center Valenzuela

Mga abangan

Mayroon din itong sangay sa bansang Tsina, ang SM North Xiamen, SM South Xiamen at SM Chuan, at Guam, ang SM Guam.

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Lakbay-Bayan