Ryzza Mae Dizon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ryzza Mae Dizon (12 Hunyo 2005 – ), sa edad na pito, ang sinasabing pinakamaliit na host ng sariling talk show na The Ryzza Mae Show sa kasaysayan ng telebisyon sa bansa.

Nagsimulang sumikat noong 2012 nang sumali sa patimpalak ng Eat Bulaga para sa mga tsikiting na hindi lalampas sa anim na taong gulang, ang Little Miss Philippines. Si Ryzza ang itinanghal nagwagi matapos mapansin ng mga hurado ang kulit, siste at pagkabibo ng bata.

Hindi naging madali para kay Ryzza ang pagkakamit ng titulong Little Miss Philippines. Napabilang lamang si Ryzza para sa lista ng mga makakasali sa grand finals nang minsang matalo sa monthly finals at muling ipinatawag upang maging bahagi ng kompetisyon ng wild card na mga kalahok kung saan napili siya para sa hulling araw ng kompetisyon.

Sa pagwawagi ni Ryzza, magkakahalong opinyon ang naglabasan lalo sa netizens ng social networking sites. Ilan sa mga ito ay ang mga komentong pangit, pango, mataba, bunging bata si Ryzza upang tanghaling Little Miss Philippines. Ngunit karamihan naman ay makakapansin sa pagiging bibo at hindi mahiyain ni Ryzza, lalo sa bahagi ng Eat Bulaga. Sa ganito'y ang desisyon kaagad ng pamunuan ng Eat Bulaga na kuhanin ni Ryzza upang maging bahagi na ng pantanghaling programa. Di maglalaon, pasisimulan na rin ang isang hosting stint ni Ryzza. Tinawag ang show na ito bilang The Ryzza Mae Show at nagsimulang umere noong 18 Abril 2013.

Sa pagkakaroon ng sariling talk show ni Ryzza, magagawa niyang ma-interbyu ang ilan sa mga kilala at kontrobersyal na persoIidad at grupo sa mundo ng showbiz, isports, pagbabalita, at politika. Ilan sa mga ito ay sina Annabelle Rama, Mark Herras, Callalily, Doc Manny Calayan, Lorna Tolentino, Tina Paner, Amy Perez, Japoy Lizardo, Derek Ramsey, Pilita Corrales, Marian Rivera, Mike Enriquez, at MMDA Chairman Francis Tolentino at iba pa.

Mga Panlabas na Kawing

  • The Ryzza Mae Show (Hinango noong 07 Hunyo 2013)
  • entertainment.inquirer.net (Hinango noong 07 Hunyo 2013)
  • ph.omg.yahoo.com (Hinango noong 07 Hunyo 2013)