Ruffa Gutierrez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez-Bektas ngunit mas kilala bilang Ruffa Gutierrez ay isang Pilipinang aktres, modelo at dating beauty queen. Nanalo siya bilang Binibining Pilipinas-World 1993 at Miss World 1993 2nd Princess.

Siya ay anak ng artistang si Eddie Gutierrez at dating artista ngunit naging talent manager na si Anabelle Rama. Ang kanyang mga kapatid ay sina Elvis, Rocky, ang kambal na sina Raymond at Richard Gutierrez, na sumusikat ngayon, at Richie Paul. Kapatid niya naman sa ama sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher na mga artista rin.

Siya ay matagal na ring artista at nakagawa na ng maraming pelikula.

Sa Syobis

Noong 2002, bago pa man siya ikasal kay Yilmaz Bektas, siya ay nasa loob ng istasyong GMA.

Matapos ay naibigay sa kanya ang proyektong Philippines' Next Top Model na ipinalabas sa RPN-9. Noong 11 Marso 2007, naimbita rin siyang maghost sa The Buzz nang magdesisyon si Kris Aquino na umalis pansamantala dahil sa pagbubuntis. Nang mapagdesisyunan nitong umalis na nang permanente, inalok si Ruffa ng ABS-CBN na palitan na si Kris at pumirma ng isang taong eksklusibong kontrata sa istasyon. Bukod sa paghohost ay naisama rin siya sa pambatang programa sa telebisyon na Kokey.

Ika-17 ng Enero 2008 nang magkaloob siya ng Php 500,000 sa mga nangangailangan mulas sa inorganisa niyang programa na isang fashion show at basar na tinawag niyang RRRampa for a Cause. Dito ay mayroong iba pang mga artista at sikat na tao ang tumulong na magbenta ng kani-kanila ring mga kagamitan, kabilang na ang kanyang mga kapatid na sina Raymond at Richard. Nakalikom sila ng Php 1.7 milyon na ipinamahagi rin nila sa Unicef, Philippine Red Cross, Make-A-Wish Foundation, World Vision, at Asilo de Milagrosa.

Kamakailan lang din nang maghost siya ng Pilipinong bersyon ng palabas na America's Next Top Model, ito nga ay ang Philippines' Next Top Model

Pag-aasawa

Taong 2003 nang siya ay magpakasal sa taga Turkyang si Yilmaz Bektas sa isang napakagarbong misa sa Maynila. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Lorin (ipinanganak noong taong 2003) at Venice (ipinanganak noong taong 2004) at sila'y nanirahan sa Istanbul, Turkey nang ilang taon, pero si Ruffa ay bumabalik paminsan-minsan dito sa Pilipinas dahil sa mga paanyayang lumabas sa ilang mga programa sa telebisyon.

Paghihiwalay

Noong ika-8 ng Mayo 2007, ipinahayag ng mag-asawang Bektas na napagkasunduan na nilang tapusin ang kanilang apat na taong pagsasama. Sinabi ni Ruffa sa Startalk at The Buzz na siya ay sinaktan ng kanyang asawa habang sila ay nasa Turkey. SInabi niya ring ito ang dahilan kung bakit niya hihiwalayan ang kanyang asawa. Ngunit pinabulaanan ni Yilmaz ang mga naunang sinabi ni Ruffa. Nagkaroon sila ng sagutan sa mga panayam sa telebisyon upang klaruhin ang tunay na nangyari.

Kahit na siya ay nagpalit ng relihiyon patungong Islam dahil sa pagpapakasal, bumalik si Ruffa sa pagiging Kristiyano sa kanyang tuluyang pagbabalik dito sa Pilipinas kasama ang kanyang dalawang anak.

Matapos ng kanilang hindi maawat na sagutan at sabihan ng mga sikreto, ay humupa ang awayan. Ngayon sila ay tuluyan na ngang naghiwalay subalit mayroong mga pagkakataong nagsasalita sila tungkol sa hindi matigil at hindi maubos na mga intriga.

Mga Nakamit

  • Most Promising Teenage Actress - 1990 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards
  • Teenage Box Office Queen, Darling of the Press, at Star of the Night - 1991 at 1992
  • Representante - 1992 "Elite Model Look" sa New York
  • Second Princess - 1993 Miss World beauty Pageant
  • Recipient of award for bringing honors to the Philippines - 1993 - Former President Fidel V. Ramos
  • Pioneer of Royale ERA Entertainment - 1995
  • ROOF-A-CHILD FOundation, Inc.
  • Contract with Century Productions (Holyfield-Lewis Heavyweight Championship Pre-Fight Special for TVKO, Halloween Haunts for Fox, Millennium Countdown in Florida, Backstreet Boys Concert coverage, HBO Movie Marathon)
  • Owner and CEO - Intel Media International Advertising Company, Inc. (2005)
  • Spokeswoman - Calayan Surgical Center (206)
  • Host - Philippines' Next Model (2007)
  • Owner - Ruffa's Perfect Pout (2007)

Mga Inendorsong Produkto

  • Pantene shampoo
  • Kisses and Co.
  • MET whitening soap
  • Nido milk
  • Avon
  • Calayan Surgical Group
  • Ricky Reyes salon

Mga Sanggunian

Mga Panlabas na Kawing