Rudy Concepcion

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rudy Concepcion ay isa sa mga artista sa Pilipinas na pinakasikat noong huling mga panahon ng dekada 1930 at maagang panahon ng dekada 1940. Isa siyang Aktor at mahusay na mang-aawit.

Isinilang siya noong taong 1915 at gumanap sa unang pelikula niya ang Kundiman ng Puso na isang Dramang-Pagibig.

Taong 1938 ng pumirma siya ng eksklusibong kontrata para gumawa ng limang pelikula sa ilalim ng Sampaguita Pictures. Ito ay ang mga obrang Paru-Parong Bukid na isang Musikal, ang Himagsikan ng Pusokung saan niya nakapareha si Rosa Aguirre at Mapait na Lihim na kapwa Pampamilyang-Drama.

Gumawa rin siya ng mabibigat na drama tulad ng Alipin ng Palad kung saan ginampanan ang isang papel na Kleptomaniac at ang Gabay ng Magulang.

Siya ay maituturing na may pinakamagandang boses sa kaniyang kapanahunan bago magkadigma. Ilan sa mga bidang babae na itinambal sa kanya na patok sa takilya ay sina Rosario Moreno para sa Tunay na Ina kung saan pinangungunahan ng batang aktres na si Tita Duran, Yolanda Marquez at si Fely Vallejo.

Isa sa pinakamatagumpay niyang pelikulang Musikal ay ang Pakiusap na hanggang ngayon ay maaaring mapanood sapagkat ang negatibo ay maayos pa.

Namatay siya noong 1941 sa sakit na Pneumonia na sukat ikinadalamhati ng sambayanang Pilipino.

Pelikula

  • 1935 - Kundiman ng Puso
  • 1935 - Sumpa ng Aswang
  • 1936 - Buhok ni Ester
  • 1938 - Walang Pangalan
  • 1938 - Paru-Parong Bukid
  • 1938 - Himagsikan ng Puso
  • 1938 - Alipin ng Palad
  • 1938 - Mapait na Lihim
  • 1939 - Gabay ng Magulang
  • 1939 - Walang Tahanan
  • 1940 - Pakiusap
  • 1940 - Ikaw Rin
  • 1940 - Mahal Pa Rin Kita

Trivia

  • May pinakamagandang boses noong dekada 30s
  • Hindi nakapareha ni Carmen Rosales.
  • Isinapelikula ang talambuhay ng Sampaguita Pictures noong 1952 sa pelikulang Kasaysayan ni Rudy Concepcion.

Panlabas na Kawing