Rosa Sevilla Alvero

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rosa Sevilla Alvero ay isang mamamahayag, guro at social worker na kilala sa kaniyang pakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan na bumoto. Naging dekana rin siya sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Talambuhay

Ipinanganak si Alvero noong ika-4 ng Marso, 1879 sa Tondo, Maynila kina Ambrosio Sevilla at Silvina Tolentino. Lumaki siya sa kaniyang dalawang tiyahin at pumasok sa isang pribadong paaralan. Nag-aral siya para maging isang guro at nagtapos bilang isang maestra superior mula sa Assumption College.

Naging bahagi siya ng Himagsikan kung saan tumulong siyang magpakain at manggamot sa mga sugatang rebolusyonaryo. Isa rin siya sa mga babaeng manunulat ng La Independencia, ang pahayagan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna.

Pinakasalan niya si Emilio Alvero, isang kilalang pintor. Matapos ito, ginugol ni Alvero ang kaniyang oras sa pagsusulat ng mga dula sa wikang Espanyol. Kasama sina Pura Villanueva Kalaw at Pilar Hidalgo-Lim, sinimulan nila ang pangangampanya para sa karapatan ng mga babae na makaboto. Itinatag rin nila ang Liga de Damas Filipinas.

Noong ika-15 ng Hulyo, 1900, itinatag ni Alvero ang Instituto de Mujeres, na ngayon ay kilala na bilang Rosa Sevilla Memorial School. Ito ang unang paaralan para sa mga Filipinong lay women. Ginawaran siya ng Presidential Medal of Merit noong ika-4 ng Hulyo, 1948 para sa kaniyang mga kontribusyon sa bansa.

Mga Sanggunian

  • De Guzman, Jovita V., Vicente A. Santiago, Remedios T. de Leon, and Teresita E. Erestain. 1967. Women Of Distinction: Biographical Essays on Outstanding Filipino Women of the Past and the Present. Philippines: Bukang Liwayway.
  • National Centennial Commission - Women's Sector. 1999. Human Development Sector. Sulong Pilipina! Sulong Pilipinas! A Compilation of Filipino Women Centennial Awardees. Taft Avenue, Manila.
  • Rosa Sevilla Alvero - Silent Revolution for Women. Filipino Heritage. Accessed 1 February 2008.http://www.filipinoheritage.com/sikatpinoy/rosa_sevilla_alvero.htm.
  • Women's suffrage in Asia. One Women. Accessed on 1 February 2008. http://www.onlinewomeninpolitics.org/suffr_asia.htm.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.