Romy Gacad

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Romeo "Romy" Gacad ay isang beteranong Pilipinong letratista. Tatlong beses siyang tumanggap ng nominasyon sa Pulitzer Prize para sa kanyang mga gawang naipalimbag sa iba't ibang internasyonal na publikasyon, kasama ang Time Magazine at Newsweek Magazine. Siya ang chief photographer para sa Manila bureau ng Agence France-Presse (AFP), na kinikilala bilang pinakamatandang news agency sa buong mundo.

Buhay at Karera

Ipinanganak si Romy noong 1959 sa Pilipinas. Naging libangan niya ang pagkuha ng litrato noong nasa mataas na paaralan. Nag-aral siya ng Visual Communication sa University of the Philippines - College of Fine Arts, kung saan siya ang nagsilbing litratista ng opisyal na pahayagan ng unibersidad. Naging miyembro siya ng Associated Press at Sigma Photo Agency bago tuluyang sumali sa Agence France-Presse Manila bureau noong 1985.

Sinundan niya ang mga kaguluhang nagaganap sa politika sa Pilipinas noong dekada-80, mula sa paghihimagsik ng mga komunista hanggang sa pagpaslang kay Benigno Aquino noong 1983.

Bilang potograpo, kinuhanan niya ang mga kaganapan sa Gulf War noong 1991, ang giyera sa Afghanistan noong 2001 at ang giyera sa Iraq noong 1993. Tumigil siya ng apatnapung araw kasama ang mga sundalo ng US Army sa 3rd Infantry Division sa Iraq, kung saan nasaksihan niya ang pagbagsak ng Baghdad.

Maliban sa pagkuha ng mga litrato ng giyera, sakuna at pulitika, kilala rin si Gacad sa pagkuha sa mga kaganapan sa limang Olympic Games - sa Seoul, Barcelona, Atlanta, Sydney, at Athens.

Ang kanyang mga kuha noong 1988 Olympics, 2001 Afghanistan war at 2003 Iraq war ay naging nominado para sa prestihiyosong Pulitzer Prize.

Isinama si Romy ng Metro Magazine sa kanilang listahan ng dalawampung Pilipinong maipagmamalaki dahil sa kanilang galing na kinikilala sa buong mundo.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.