Romblon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa Rehiyon ng MIMAROPA sa Luzon ang pulong lalawigan ng Romblon. Romblon din ang pangalan ng kabisera nito. Binubuo ng maraming pulo ang Romblon na nasa Dagat Sibuyan. Nakahimlay ang Romblon sa timog ng Marinduque at Quezon, sa silangan ng Mindoro, sa hilaga ng Aklan, at kanluran ng Masbate.

Nahahati sa 17 munisipalidad ang Romblon. Kabilang sa munisipalidad ang Alcantara, Banton, Odiongan, Calatrava, Concepcion, Corcuera, Ferrol, Looc, Magdiwang, San Agustin, San Andres, San Fernando, San Jose, Santa Fe, at Santa Maria.

Pangunahing prodyuser ng mataas na uri ng marmol ang Romblon at maihahambing iyon sa gawa ng mga Italyano.

Wika

Romblomanon, Asi, at Onhan ang tatlong pangunahing wika ng mga taga-Romblon. Ang Hiligaynon, Tagalog, at Ingles ay ginagamit din depende sa pangangailangan.

Relihiyon

Karamihan sa mga taga-Romblon ay Kristiyano. Ang 72 porsiyento ng populasyon ay Romano Katoliko at 25 porsiyento ang kaanib ng Philippine Independent Church, Iglesia ni Cristo, Seventh-Day Adventist, at Baptists.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.