Roman Basa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

(Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Roman Basa)

Si Roman Basa y Esteban ay isang martir, makabayan, at isang pinuno ng Katipunan noong panahon ng himagsikan. Kabilang siya sa nagpuslit at namahagi ng kopya ng La Solidaridad sa Filipinas.

Pinagmulan at Edukasyon

Si Basa ay isinilang sa San Roque, Kabite, at anak nina Mariano Basa at Dorotea Esteban. Siya ay nag-aral ng elementarya sa kaniyang lalawigan na pinagtuturuan ng mga paring militar ng Kastila. Nang magtungo si Basa sa Maynila, siya ay nagtrabaho sa Comandancia de Marina, madaling umangat ang kaniyang posisyon dahil sa ipinakita niyang husay at galing.

Rebolusyonaryo

Habang nagtatrabaho sa Maynila, si Basa ay nanirahan sa bahay ni Ladislao Diwa, na isa sa mga nagtatag ng Katipunan, at unti-unting namulat sa mga adhikain at gawain ng kapatiran. Noong 9 Nobyembre 1892, si Basa ay pormal ng naging kasapi ng Katipunan, at tinawag na “Liwanag”. Siya ay nahalal bilang pangulo ng kilusan noong 1893, at lihim na nagpalathala ng “Kalayaan”, na ipinamahagi sa mga Filipino upang malaman ang tunay na layunin ng Katipunan. Si Basa rin ang nagmungkahi na magkaroon ng mga babaeng kasapi ang Katipunan .

Noong 1896, nang matuklasan ang Katipunan at sumiklab ang himagsikan, kabilang si Basa sa inaresto at ikinulong, kasama ng ilang katipunero. Si Basa, kasama sina Apolonio de la Cruz, Teodoro Palta, Vicente Molina, Hermenegildo de los Reyes, Jose Trinidad, Pedro Nicademus, Feliciano del Rosario, Gervasio Samson at Doroteo Dominguez ay nahatulan ng kamatayan noong 6 Pebrero 1897.

Sanggunian

  • Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History. Maynila: Tahanan Books, 1995.
  • National Historical Institute, Filipinos in History 5 vols. (Maynila: National Historical Institute, 1995)

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Basa Himagsikan|Basa Basa