Rogelio de la Rosa

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rogelio de la Rosa (Regidor Lim de la Rosa) (1916-1986) ay isang sikat na artista noong 1930s hanggang 1950s. Naging senador siya noong 1955 at embahador ng Pilipinas sa iba't ibang bansa noong 1960s.

Buhay

Ipinanganak si de la Rosa noong 12 Nobyembre 1915 sa Lubao, Pampanga. Magulang niya sina Feliciano de la Rosa, isang kampeon sa arnis de mano sa Pampanga noong kanyang kapanahunan, at Rosario Lim, isang tagapagtaguyod ng sining. Kapatid niya ang aktor na si Jaime de la Rosa at ang aktres na si Africa de la Rosa.

Nag-aral si de la Rosa ng elementarya sa Lubao Central Elementary School at ng sekundarya sa Lubao Institute. Nakamit niya ang kanyang digri sa associate in arts sa Far Eastern University.

Karera Bilang Artista

Unang gumanap si de la Rosa sa silent film na Ligaw ng Bulaklak noong 1932. Hindi nagtagal ay naging isa siya sa mga pinakasikat na artista sa Pilipinas. Itinuturing na kabilang sa mga pinakamahuhusay na pelikula ng mga dekada 1930s hanggang 1950s ang mga pelikulang kinatampukan ni de la Rosa.

Si de la Rosa ang unang Pilipinong aktor na naging bida sa isang American-produced na pelikula. Ito ang internasyunal na pelikulang Sword of the Avenger (Ang Vengador) na ipinalabas noong 1938.

Kabilang sa mga naging kapareha ni de la Rosa sina Adela Flunkers, Rosita Rivera, Delia Razon at Carmen Rosales at Lota Delgado. Naging tanyag ang kanilang tambalan ni Carmen Rosales. Samantala, napangasawa niya si Lota Delgado.

Mga Pelikula

  • 1932 – Ligaw na Bulaklak
  • 1932 – Tianak
  • 1932 - Ulong Inasnan
  • 1933 - Nahuling Pagsisisi
  • 1933 - Ang Ganid
  • 1934 - Krus na Bato
  • 1934 - Sawing Palad
  • 1936 - Buhok ni Ester
  • 1936 - Diwata ng Karagatan
  • 1936 - Kalupitan ng Tadhana
  • 1936 - Awit ng mga Ulila
  • 1936 - Anak-Dalita
  • 1936 - Lagablab ng Kabataan
  • 1937 - Anak ng Pari
  • 1937 - 'Magkapatid
  • 1937 - Teniente Rosario
  • 1937 - Bituing Marikit
  • 1938 - Inang Mahal
  • 1938 - Makiling
  • 1938 - Sanggumay
  • 1938 - Ang Magmamani
  • 1938 - Bago Lumubog ang Araw
  • 1938 - Mga Sugat ng Puso
  • 1938 - Bukang Liwayway
  • 1938 - Bahay-Kubo
  • 1938 - Diwata ng Karagatan
  • 1939 - Magkaisang Landas
  • 1939 - Lagot Na Kuwintas
  • 1939 - Pasang Krus
  • 1939 - Florante at Laura
  • 1939 - Dalisay
  • 1939 - Ang Magsasampaguita
  • 1939 - Takip-Silim
  • 1940 - Senorita
  • 1940 - Magbalik ka, Hirang
  • 1940 - Gunita
  • 1940 - Katarungan
  • 1940 - Lambingan
  • 1940 - Diwa ng Awit
  • 1940 - Estrellita
  • 1940 - Colegiala
  • 1940 - Nang Mahawi ang Ulap
  • 1941 - Panambitan
  • 1941 - Tarhata
  • 1941 - Tampuhan
  • 1941 - Ang Maestra
  • 1941 - Serenata sa Nayon
  • 1942 - Caballero
  • 1942 - Anong Ganda Mo
  • 1944 - Perfidia
  • 1946 - Garrison 13
  • 1946 - Angelus
  • 1946 - Dalawang Daigdig
  • 1946 - Tagumpay
  • 1946 - Honeymoon
  • 1946 - Ang Prinsipeng Hindi Tumatawa
  • 1947 - Sarung Banggi
  • 1947 - Backpay
  • 1947 - Ang Lalaki
  • 1947 - Ang Himala ng Birhen sa Antipolo
  • 1948 - Sa Tokyo Ikinasal
  • 1948 - Bulaklak at Paruparo
  • 1948 - Ang Vengador
  • 1948 - Hampas ng Langit
  • 1949 - Kampanang Ginto
  • 1949 - Milyonarya
  • 1949 - Bandilang Basahan
  • 1949 - Camelia
  • 1949 - Kidlat sa Silangan
  • 1950 - Ang Hiwaga ng Tulay na Bato
  • 1950 - 48 Oras
  • 1950 - Doble Cara
  • 1950 - Ang Kampana ng San Diego
  • 1950 - Prinsipe Amante
  • 1950 - Tigang na Lupa
  • 1950 - Sohrab at Rustum
  • 1951 - Bayan O Pag-ibig
  • 1951 - Prinsipe Amante sa Rubitanya
  • 1951 - Haring Cobra
  • 1952 - Irisan
  • 1952 - Romansa sa Nayon
  • 1953 - Sa Paanan ng Bundok
  • 1954 - Maala-Ala Mo Kaya?
  • 1954 - Dakilang Pgpapakasakit
  • 1954 - Jack & Jill
  • 1954 - Ikaw ang Buhay Ko
  • 1954 - Aristokrata
  • 1955 - Ang Tangi kong Pag-ibig
  • 1955 - Artista
  • 1955 - Higit sa Lahat
  • 1955 - Sonny Boy
  • 1955 - Iyung-Iyo
  • 1955 - Pandanggo ni Neneng
  • 1956 - Babaing Mandarambong
  • 1956 - El conde de Monte Carlo
  • 1956 - Idolo
  • 1956 - Pampanggenya
  • 1956 - Gintong Pangarap
  • 1957 - Sino ang Maysala
  • 1957 - Veronica

Karera sa Pulitika

Nahalal si de la Rosa bilang senador noong 1957. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1961, katapat ang reeleksyonistang si Carlos P. Garcia at si Diosdado Macapagal. Nang mapagtanto niyang mahihirapan siyang manalo dahil paghahatian nila ni Macapagal (na tulad niya ay mula sa Pampanga) ang boto ng mga taga-Luzon, at magiging bentahe ito ni Garcia (na mula sa Bohol) ay nagpasya siyang suportahan na lamang si Macapagal. Sa huli ay nanalo si Macapagal.

Noong 1963 ay nahirang si de la Rosa bilang embahador ng Pilipinas sa Sri Lanka. Matapos nito ay nagsilbi rin siyang embahador sa iba pang mga bansa tulad ng Cambodia, Netherlands, Poland, at Bulgaria. Bilang embahador ay hikayat at tinulungan niya ang mga Pilipinong alagad ng sining na makapagtanghal at makadalo sa mga pagtitipon sa ibang bansa.

Nabigo si de la Rosa sa kanyang pagbabalik-pulitika nang matalo siya sa halalan para sa Batasang Pambansa noong 1984.

Mga Parangal

Itinanghal ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) si de la Rosa bilang pinakamahusay na aktor noong 1955 para sa kanyang pagganap sa Higit sa Lahat. Sa sumunod na taon ay nakamit niya ang parehong parangal sa Asian Film Festival na ginanap sa Hong Kong para rin sa kanyang pagganap sa naturang pelikula. Noong 1982 ay ginawaran siya ng National Press Club of the Philippines ng Award of Merit para sa kanyang mga natatanging achievement sa larangan ng pelikula, pulitika at ugnayang panlabas. Samantala, ginawaran siya ng Film Academy of the Philippines (FAP) ng Lifetime Achievement Award (posthumous) noong 1989.

Sanggunian