Rogelio G. Mangahas

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rogelio G. Mangahas (9 Mayo 1939–4 Hulyo 2018) ay isang makata, mananalaysay, editor, guro, at tagasalin.

Nagtapos ng Bachelor of Arts in Filipino si Mangahas noong 1965 sa University of the East (UE), kung saan niya nakilala ang mga kapanahunan makata na sina Virgilio S. Almario at Lamberto E. Antonio. Pinasok niya ang iba’t ibang trabaho tulad ng pagiging security guard habang nag-aaral. Nang makapagtapos, naging propesor siya sa UE hanggang 1972, nang maideklara ang Batas Militar. Naging guro sa wika at panitikan din siya sa De La Salle University at St. Scholastica’s College.

Si Mangahas ay ikinasal kay Fe Buenaventura Mangahas, isang historyahdor, guro, at manunulat.

Pagtataguyod Wika at Panitikan

Si Mangahas ay namuhunan at namatnugot ng antolohiyang Manlilikha (1967) na unang nagpakilala sa tatlong modernistang makata sa Filipino. Nailimbag ang kaniyang mga tula sa mga antolohiyang Mga Duguang Plakard at iba pang Tula (1971) at Gagamba sa Uhay (2006).

Marami ring parangal ang nakamit ni Mangahas, kabilang dito ang mula sa Talaang Ginto: Makata ng Taon, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at iba pa.

Pakikibaka

Si Mangahas ay isinilang Cabiao, Nueva Ecija noong 9 Mayo 1939. Siya ay nagmula sa pamilyang kasapi ng Hukbalahap na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kalaunan ay kinalaban ang pamahalaan.

Noong ideklara ang Batas Militar noong 1972, isa siya mga bumatikos at nagprotesta laban sa pamumuno ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Noong 1973, naaresto si Mangahas at nakulong sa loob ng dalawang taon. Maging ang kaniyang asawa ay nakulong din kasama niya ngunit sa maikling panahon lamang. Sa kaniyang pagkakakulong at sa panahon ng Batas Militar niya nalikha ang mga tulang “Villanelle sa Iyong Pagdalaw” (1973), “Mga Ibon sa Hawlang Bakal” (1977) and “Tagulaylay ng Isang Insurekto” (1977).

Si Mangahas ay namatay noong 4 Hulyo 2018 sa edad na 79.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.