Rogelio Casurao
Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Rogelio Casurao.
Si Rogelio Casurao (namatay 2 Enero 2021) ay isang abogadong Pilipino na nagsilbi bilang vice chairman at executive officer ng National Police Commission (Napolcom) na siyang namamahala sa mga gawaing administratibo ng Philippine National Police (PNP).
Unang itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III si Casurao bilang vice chairman ng Napolcom noong Abril 2016.
Bago ang kaniyang pagkatalaga sa Napolcom, nagsilbi bilang konsehal ng Calbayog City sa Samar si Casurao sa loob ng dalawang termino. Naging chairman rin siya ng People's Law Enforcement Board ng Calbayog City at General Legal Counsel ng Philippine Councilors League. Naging ikalawang pangulo rin siya ng Integrated Bar of the Philippines-Samar Chapter.
Namatay si Casurao dahil sa kumplikasyon sa pulmonya noong 2 Enero 2021 sa edad na 66.
Mga Sanggunian
- Untimely passing of Atty. Rogelio Casurao(Accessed 21 October 2021)
- Napolcom vice chairman Rogelio Casurao dies (Accessed 21 October 2021)
- Napolcom executive officer Casurao passes away(Accessed 21 October 2021)
- Napolcom vice chairman Rogelio Casurao passes away(Accessed 21 October 2021)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |