Rodrigo de Vivero y Velasco

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rodrigo de Vivero y Velasco ay ang ika-13 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Cristobal Tellez de Almanza. Siya ay naglingkod mula 15 Hunyo 1608 hanggang Abril 1609.

Bilang Gobernador-Heneral

Si Vivero ay isinilang sa sa Laredo, Espanya. Bahagi siya ng mga opisyal ng Bagong Espanya. Siya ay nakapaglingkod bilang gobernador-heneral sa loob ng humigit-kumulang isang taon. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming Hapones sa Pilipinas ang pinabalik sa Japan. Hinigpitan din ang mga patakaran ng pakikipagkalakalan sa kanila.

Ang pinuno ng Japan na si Tokugawa Ieyasu, sa tulong ni William Adams, ay nakipag-ugnayan kay Vivero at humiling ng direktang pakikipagkalakalan sa Bagong Espanya. Nagkaroon ng palitan ng mga liham at nagsimula ang pagkakaibigan ng Japan at ng Bagong Espanya.

Nang magwakas ang termino ni Vivero noong 1609, pinangalanan siyang Konde ng Valle. Siya rin ang naging gobernador, kapitan-heneral, at presidente ng Audencia Real ng Panama.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 289 Quezon City: Vibal Foundation, 2020.  

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.