Roberto Benedicto

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Roberto Salas Benedicto (17 Abril 1917-15 Mayo 2000) ay isang Pilipinong abogado, embahador at banker na kilala bilang isa sa mga crony ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Siya ang may-ari ng Philippine Exchange Company, the Philippines Daily Express, Radio Philippines Network (RPN), Banahaw Broadcasting Corporation (BBC), at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC). Naging embahador din ng Pilipinas sa Japan si benedicto mula 1972 hanggang 1978.

Sa kasagsagan ng kaniyang karera, umabot sa 85 kumpanya, 106 sugar farm, 14 hacienda, 17 istasyon ng radyo, 16 istasyon ng telebisyon, 2 telecommunication network, 7 gusali, 10 vessel at 5 aircraft ang pagmamay-ari ni Benedicto. Mayroon rin siyang pagmamay-aring 14 ketaryang lupain sa Bacolod City, 13.5 bilyon na shares sa Oriental Petroleum, at membership sa iba't ibang golf at country club na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong dolyar. Sa ibang bansa, mayroon din siyang pagmamay-ari na sugar mill sa Venezuela, isang trading company sa Madrid, mga bank account, mga mansyon at limousine sa California. Sinasabing umabot sa $800 milyon ang net worth ni Benedicto noong 1983.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Benedicto sa La Carlota, Negros Occidental noong ika-17 ng Abril, 1917. Naging kaklase siya ni Marcos sa College of Law sa Unibersidad ng Pilipinas. Pareho rin silang miyembro ng Upsilon Sigma Phi fraternity.

Kaugnayan kay Marcos

Nang maging pangulo si Marcos, naging bahagi si Benedicto ng iilang mga tao na direktang kaugnayan kay Marcos. Kinalaunan ay binigyan ni Marcos si Benedicto ng power-of-attorney para sa mga transakyon.

Sa tulong ni Benedicto, nakapagbukas sina Marcos at ang asawa nitong si Imelda Marcos ng una nilang Swiss Bank account noong 1968. Ito ang tinatawag na "Saunders Account" sa Credit Suisse, kung saan ginamit ni Marcos ang pangalan na "William Saunders" habang "Jane Ryan" naman ang ginamit ni Imelda.

Lumaki at dumami ang mga negosyo ni Benedicto matapos maging pangulo ni Marcos. Itinalaga rin siya ni Marcos bilang embahador sa Japan at ginawang tagapamahala ng Philippine National Bank. Sa kaniyang papel bilang chairman ng PNB, pinayagan ni Benedicto nag mga loan ng mga negostong pagmamay-ari ng iba pang mga crony ni Marcos. Ginamit rin niya ang PNB para makautang para sa kaniyang kumpanyang Northern Lines, gayundin ang kaniyang mga negosyo sa asukal.

Bilang embahador sa Japan, nakakuha si Benedicto ng mahigit US$ 550 milyon na danyos para sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na pinaniniwalaang ginamit niya para sa pansariling interes. Niratipikahan rin nila ang Treaty of Amity, Commerce and Navigation sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Nagbigay ang kasunduang ito ng karapatan sa Japan na gamitin ang mga likas na yaman ng Pilipinas, ang pangunahing dahil ng Senado para tanggihan ang kasunduang ito.

Nang mapalayas ang mga Marcos, nakuha ng mga Americano ang ilang mga dokumentong dala nila. Dito nadiskubre na mula noong dekada 70, nakatanggap si Marcos at ang kaniyang mga crony ng komisyon na 10 hanggang 15 porsyento ng Overseas Economic Cooperation Funds mula sa mga contractor na Hapon. Naging kontrobersyal ang isyung ito at nakilala sa Japan bilang Marukosu giwaru o Marcos scandal. Isa ito sa mga naging dahilan ng paggawa ng Japan ng 1992 ODA Charter.

Isa sa mga pinakakilalang paglaki ng negosyo ni Benedicto ay sa industriya ng asukal simula noong 1974, dahilan para tawagin siyang "Sugar King". Naging daan ang pagdedeklara ng batas militar para ma-kontrol ni Benedicto ang Philippine Exchange Company (Philex), na siyang may monopolyo sa kalakalan ng asukal palabas ng bansa. Gamit ang Philex, binibili ng mura ang asukal mula sa mga magsasaka bago ito ibenta sa mataas na halaga. Bahagi ng tubo sa asukal ay napupunta sa isang "special fund" para kay Marcos.

Bukod sa industriya ng asukal, kilala rin si Benedicto sa kaniyang monopolyo sa media. Dahil sa batas militar, kontrolado ng gobyerno ang mga istasyon ng telebisyon at radyo. Mayroong tatlong istasyon ng telebisyon, labinlimang istasyon ng radyo, isang kumpanya ng cable television at pahayagan si Benedicto.

Noong 1990, nakipagkasundo si Benedicto sa Presidential Commission on Good Governance na isuko sa gobyerno ang nasa US$16 milyong Swiss bank deposits, shares 32 kumpanya, cash dividends at 51 posyento ng kaniyang mga lupain.

Kamatayan

Pumanaw si Benedicto noong ika-15 ng Mayo 2000 sa Bacolod City.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.