Rizal sa Dapitan (1997)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Rizal sa Dapitan (also referred to as Rizal in Dapitan) ay isang pelikula tungkol sa pamumuhay ni Jose Rizal sa Dapitan. Ipinalabas ito noong 1997 sa direksyon ni TIkoy Aguiluz.

Ginampanan ng aktor na si Albert Martinez ang papel na Rizal, habang ginampanan naman ng aktres na si Amanda Page ang papel na Josephine Bracken. Paksa rin ng pelikula ang relasyon ni Rizal at ni Bracken.

Nagkamit ng iba't ibang parangal ang pelikula kabilang na ang 1998 FAMAS Awards para sa Best Picture, Best Director at Best Screenplay.