Rizal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Rizal ay nasa Rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ito ay may 20 kilometro ang layo sa Maynila. Ang Rizal ay hango sa pangalan ni Jose Rizal. Lungsod Antipolo ang kabesera ng lalawigan kahit na ang kapitolyo ay matatagpuan sa Lungsod Pasig sa Kalakhang Maynila.

Heograpiya

Ang Rizal ay nasa hanggahan ng Kalakhang Maynila sa kanluran, ng Bulakan sa hilaga, ng Quezon sa silangan at Laguna sa timog. Ang lalawigan ay nakahimlay sa hilagang baybayin ng Lawa Laguna.

Ang Rizal ang tinatawag na "Duyan ng Pambansang Sining". Ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Carlos "Botong" Francisco, Vicente Manansala, Maestro Lucio San Pedro ay pawang mga taga-Rizal.

Ang Rizal ay nahahati sa 13 munisipalidad at isang lungsod. Kabilang sa mga munisipalidad ng Rizal ang Angono, Angono, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay at Teresa. Ang nag-iisang lungsod nito ay ang Antipolo na siya ring kabesera ng lalawigan.

Wika

Tagalog ang pangunahing wika na ginagamit ng mga naninirahan sa Rizal.

Ekonomiya

Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Rizal ay ang pagsasaka, at pakikipagkalakalan. Maraming taga- Maynila ang nagpapaalaga ng baboy sa mga taga- Rizal habang ang pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga taga- gawing hilaga at ang mga nakatira sa katimugang bahagi ng lalawigan ay pangingisda ang ikinabubuhay.

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.