Ricky Lo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Ricky Lo.

Si Ricardo "Ricky" Fua Lo (21 Abril 1946 - 4 Mayo 2021) ay isang Pilipinong entertainment writer at TV host.

Kabataan at Edukasyon

Ipinanganak si Lo sa Las Navas, Northern Samar. Nagtapos siya ng elementarya sa bayan at lumipat sa Tabaco, Albay para mag-aral ng high school sa Tabaco Pei Ching School. Nagtapos siya ng kursong English sa University of the East.

Karera

Nagsimula ang karera ni Lo sa medya noong 1969 nang nagtrabaho siya bilang editorial assistant para sa magasin na Variety. Kinalaunan, naging kolumnista siya sa magasin hanggang 1972. Lumipat siya sa Philippine Daily Express bilang staff writer at naging deskman para sa The Evening Express. Naging editorial assistant din siya para sa magazine na Weekend. Noong Hulyo 1986, naging bahagi si Lo ng The Philippine Star kung saan muli niyang binuhay ang kaniyang kolum na "FunFare" at nagsimula rin ng kaniyang regular feature na "Conversations with Ricky Lo".

Noong 1999, naging bahagi si Lo ng showbiz-oriented talk show na The Buzz sa ABS-CBN bilang host. Kinalaunan ay lumipat siya sa GMA 7 at naging co-host ng Startalk mula 2008 hanggang 2015, at CelebriTV mula 2015 hanggang 2016. Nagkaroon rin siya ng sarili niyang palabas, ang The Ricky Lo Exclusives sa QTV 11.

Kamatayan

Pumanaw si Lo noong ika-4 ng Mayo 2021 matapos ma-stroke.

Filmography

Year Title Role Network
1999–2003 The Buzz Host ABS-CBN
2004–2007 Showbiz Stripped Host GMA Network
2008–2015 Startalk Host GMA Network
2015–2016 CelebriTV] Host GMA Network
2008–2009 The Ricky Lo Exclusives Host QTV 11


Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.