Richard Gutierrez

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Richard Kristian Rama Gutierrez o lubos na kilala bilang si Richard Gutierrez ay isa sa mga pinakasikat na aktor sa larangan ng syobis sa Pilipinas. Siya ay nagtatrabaho sa GMA at pinaniniwalaang siya ang may pinakamataas na kita doon dahil na rin sa dami ng mga proyektong ibinibigay sa kanya. At ang bawat isa ay pumapatok sa mga manonood.

Pinagmulan

Ipinanganak noong 21 Enero 1984 sa Los Angeles, California, USA, siya ay anak ng sikat ding aktor mula sa kanyang kapanahunan at hanggang ngayon, na si Eddie Gutierrez at ang dati namang aktres na naging talent manager na si Anabelle Rama. Mayroon siyang limang kapatid, sina Ruffa, Elvis, Rocky, Raymond, at Richie Paul; at dalawa namang kapatid sa kanyang ama, sina Ramon Christopher at Tonton Gutierrez.

Ang kanilang pamilya ay konektado sa syobis. Magmula sa kanyang mga magulang, silang mga magkakapatid ay may kanya-kanyang pangalan na sa syobis.

Ang kanyang ate na si Ruffa Gutierrez na isang ring artista ay isang ring dating beauty queen. Nanalo ito ng Miss World 2nd Princess noong taong 1993.

Ang kanyang kapatid namang si Elvis ay lumabas na paminsan-minsan sa kanyang mga palabas sa telebisyon, kabilang na ang Sugo, Lupin at Kamandag bilang isa sa mga kalaban.

Ang kanyang kakambal na si Raymond Gutierrez ay nasa GMA din. Hindi siya umaarte katulad ni Richard ngunit katulad ni Ruffa ay naghohost ito sa iba't ibang mga programa ng naturang istasyon.

Ang isa pa niyang kapatid na si Richie Paul ay sa larangan naman ng musika nakatuon. Siya ay nagsisimulang sumikat bilang isang rap singer. Nagtayo na rin si Richard, kasama pa ang iba niyang mga kapatid ng kumpanya, ang Iced Out Productions, na naglabas ng kauna-unahang album ni Richie Paul.

Sina Ramon Christopher at Tonton Gutierrez naman ay mga kapwa artista na nagsimula at sumikat na mula pa noong dekada otyenta.

Sa Syobis

Simula

Siya ay halos tatlong taong gulang pa lamang nang magsimula silang pumasok sa syobis ng kanyang kakambal na si Raymmond. Sabay silang lumalabas sa mga pelikula at kadalasa'y kasama ang kanilang ama.

Ngunit matapos ang ilang taon ay nilisan nila ang syobis para unahin ang pag-aaral. Sa kanyang pagbabalik, kinuha siya ng GMA at isinama sa bagong edisyon ng pangkabataang programang Click (2001). Dito ay ipinakilala siya kasabay ang iba pang mga bagong salang pa lamang na artista. Dito ay gumanap siya bilang si Enzo, at ipinareha siya kay Chynna Ortaleza.

Naging sikat ang kanilang pagtatambal kung kaya naman nagkaroon pa sila ng mga sumunod na palabas sa telebisyon at sa pelikula kasama na ang Habang Kapiling Ka at Mano Po 2.

Pagsikat

Sa Telebisyon

Nakilala siya sa buong bansa nang makuha niya ang proyektong Mulawin ng GMA 7, isang telefantasyang umiikot ang kuwento sa mga nilalang na kalahating tao at kalahating ibon. Sila ang magliligtas sa mga tao mula sa mga halos kauri nilang mga Ravenas. Dito rin sumikat ang mga karakter at pag-iibigan nina Aguiluz at Alwina. Dito ay nagkaroon na siya ng panibagong kapareha, si Angel Locsin.

Nang matapos ito ay nasundan agad ang kanyang proyekto, ang Sugo. It naman ay tungkol sa magkakambal na itinadhanang maging magka-away.

Sumunod naman ang Captain Barbell na isang istoryang pangkomiks ni Mars Ravelo. Dito ay mas nahinang pa ang kanyang pag-arte at nagkaroon ng mas marami tagahanga.

Pagkatapos ng Captain Barbell ay nagkaroon agad ng siya ng Lupin. Ang istoryang ito ay binase sa isang serye ng mga libro sa Pransya na kung saan ang bida ay nagngangalang Arsene Lupin, at sa isang manga ng Hapon at anime na ipinalabas na rin dati sa GMA, ang Lupin III.

Ang pinakahuli niyang palabas sa telebisyon ay ang kakatapos pa lamang na Kamandag na nagmula pa sa grapikong nobela ni Carlo J. Caparas. Ito ay tungkol sa isang nilalang na kalahating tao, kalahating ahas. Dito ay nakasama niya ang mga artistang tulad nina Eula Valdez, Mark Anthony Fernandez, at marami pang iba.

Malapit na siyang magsimula para sa nakatakda niyang palabas, ang Asero, at makakasama niya ang aktres na kalilipat pa lamang sa GMA mula sa ABS-CBN, na si Heart Evangelista. Makakasama niyang muli ang mga nakasama niya rin sa huli niyang programa, sina Maxene Magalona at Ehra Madrigal.

Sa Pelikula

Habang siya ay abala sa mga nilalabasan niyang mga programa sa telebisyon, ay napasama rin siya sa mga pelikula na kasama ang ilan sa mga sikat na artista.

Nang gawin niya ang Mano Po 2: My Home, siya ay gumanap bilang anak ni Lorna Tolentino at kapatid naman ni Alessandra de Rossi. Narito rin sa pelikulang ito sina Judy Ann Santos, Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla at Susan Roces.

Sumunod naman ay ginawa niya sa Regal Films ang pangkabataang pelikulang Kuya kasama ang iba pang mga nagsisikatang kabataang artista ng kanyang panahon.

Sa pelikula namang I Will Survive ay ginampanan niya ang karakter bilang anak ni Maricel Soriano.

Pagkatapos nito ay nagkaroon na siya ng pelikula na kung saan siya ang naging bida, ang Sigaw kung saan nakatambal niya na rito si Angel Locsin at nakasama rin nila si Iza Calzado. Inilaban ito maging sa labas ng bansa, at ginawan pa ng bersyon ng Amerika.

Dahil subok na ang kanilang tambalan, gumawa muli sila ng pelikula ni Angel para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ito ay ang Let The Love Begin. Naging matagumpay nga ito kung kaya naman nagkaroon pa ng mga kasunod.

Taong 2007 nang gawin nila ang The Promise, ang huli nilang posibleng tambalan matapos ang paglipat ni Angel sa kabilang sa ABS-CBN. Dito ay lumabas na sila mula sa mga nakaraan at nakasanayan na nilang mga karakter.

Matapos naman sumikat ni Marian Rivera sa palabas nitong Mari Mar, pinagsama silang dalawa sa isang pelikula, para muli sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso. At dahil sumikat na sila pareho, naging matagumpay sa takilya and My Best Friends' Girlfriend.

Mga Palabas sa Telebisyon na Tinampukan

  • Signos: Banta ng Nagbabagong Klima - A GMA News And Public Affairs Special (2008)
  • A Handsome Journey : Birthday Special (2008)
  • Kamandag (2007)
  • Juspion (2007)
  • Lupin (2007)
  • Mars Ravelo's Captain Barbell (2006)
  • Sugo (2005)
  • SOP (2005)
  • Mulawin (2004)
  • Kakabakaba Adventures (2004)
  • Click Barkada Hunt (2004)
  • Nuts Entertainment (2003)
  • Love To Love (Season 2): My 1,2 Love (2003)
  • Love To Love (Season 1): Maid For Each Other (2003)
  • Habang Kapiling Ka (2002)
  • Click (2001)
  • Ikaw Lang Ang Mamahalin (2001)

Mga Pelikulang Tinampukan

  • My Best Friend's Girlfriend (2008)
  • The Promise (2007)
  • Mano Po 5: Gua Ai Di (2006)
  • I Will Always Love You (2006)
  • Mulawin the Movie (2005)
  • Let the Love Begin (2005)
  • Pinoy Blonde (2005)
  • Sigaw (The Echo) (2004)
  • I Will Survive (2004)
  • Kuya (2004)
  • Mano Po 2: My Home (2003)
  • Bakit Papa? (2002)
  • Takbo Talon Tili (1992)
  • Bikining Itim (1990)
  • Mga Batang Pikutin (1990)
  • Feel na Feel (1989)
  • Love Boat (1989)
  • Juan Tanga, super naman, at ang kambal na tiyanak (1988)
  • One two bato three four bapor (1988)
  • Lahing Pikutin (1987)

Mga Parangal

  • Outstanding Performance by an Actor - 2008 1st Annual Filipino American Visionary Awards
  • Most Handsome Celebrity - 2008 YES! Magazine Awards
  • Most Fashionable Young Male Celebrity - 2008 YES! Magazine Awards
  • King of Valentine Movies - 2008 38th Box-Office Entertainment Awards
  • Prince of Philippine Movies - 2008 38th Box-Office Entertainment Awards
  • Mr. FAMAS Popularity - 2005 FAMAS Awards
  • 2005 Chalk Magazine's 50 Hottest Men in Philippine Showbiz Ranked No. 1
  • Male Star of the Night - 2005 Metro Manila Film Festival
  • Prince of Philippine Movies and TV - 2005 Box Office Entertainment Awards

Mga Inendorsong Produkto

  • Bench
  • Del Monte Fit and Right
  • Head & Shoulders shampoo
  • Emperador Brandy
  • Advil
  • Smart telecommunications
  • Calayan Clinic

Sanggunian

  • Canlas, Nelson. "Richard Gutierrez defends Angel Locsin, Ricky Reyes offers her advice". Philippine Entertainment Portal. 10 July 2007.
  • Miralles, Nitz. "Richard Gutierrez never considered leaving GMA-7". Philippine Entertainment Portal. 25 April 2008.

Mga Panlabas na Kawing