Ric Rodrigo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ric Rodrigo ay Pilipinong aktor na tumanyag dahil sa angking kakisigan at pagganap sa mga makabuluhang pelikulang Plipino. Unang nasilayan siya sa pelikulang Prince Charming, katambal si Gloria Romero. Lumabas din si Rodrigo sa pelikulang Anino ni Bathala kasama sina Paraluman, Marlene Dauden at Eddie Garcia sa ilalim ng direksiyon ni Conrado Conde. Sa pelikulang Diyosa ay naging katambal niya ang kaniyang asawa sa tunay na buhay na si Rita Gomez. Tatlong beses nakatambal ni Rodrigo si Charito Solis. Ang una ay sa pelikulang Ang Igorota, pangalawa sa Dahil Sa Isang Bulaklak at ang huli ay sa Ina, Kapatid, Anak.

Pinagmulam

Ipinanganak si Ric Rodrigo noong 1931 mula Filipinong ina at amang taga-Denmark. kaniyang asawa ang beteranang aktres na si Rita Gomez at mayroong isang anak na si Ronald Bregendahl na isa ring aktor na napangasawa si Chona Castillo, isa ring babaeng aktor.

Sanggunian