Reyna Valeriana

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Reyna Valeriana o Donya Valeriana ay isa sa mga tauhan ng koridong Corrido at Buhay Nang Tatlong Principeng, Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Caharian ng Berbania, mas kilala bilang Ibong Adarna. Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina ng tatlong magkakapatid na prinsipe—Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.

Si Reyna Valeriana ang unang ipinakilalang tauhan ng korido. Mababasa ito sa ikaanim na saknong:

6 At ang kaniyang esposa

yaong marikit na reyna,

ang pangala’t bansag niya

ay si Donya Valeriana.

Isang beses lang binanggit ang ngalang “Valeriana” sa buong korido. Gayunman, naroon siya lagi sa tabi ng asawang may sakit na si Haring Fernando. Iginagalang din siya ni Don Juan bilang ina kung saan humingi rin siya ng bendisyon rito nang siya naman ang maglakbay matapos hindi makabalik ang dalawang kapatid.

99 Kapagdaka’y ginawaran

at siya’y binendisyunan

at sa reynang ina naman

ay lumuhod kapagkuwan.

Kung iisipin, ang kaniyang pagiging kabiyak ng hari at ina ng tatlong prinsipe ay napakahalagang tungkulin na bilang babae. Alalahanin ang kaniyang pag-aalala para sa maysakit na asawa at ang pangamba para sa tatlong anak na naglakbay—tatlong anak ang nawalay sa kaniyang paningin habang inaalagaan ang asawa. Ang kaniyang kalakasan at kahinaan ay masasalamin sa apat na lalaki sa kaniyang buhay.

Sanggunian

“The Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous.” https://www.gutenberg.org/files/16157/16157-h/16157-h.htmAccessed 27 Abril 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.