Revised AFP Modernization Program

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Revised AFP Modernization Program.

Ang Batas Republika Blg. 10349 o ang Revised AFP Modernization Program Act ay isang batas na ipinasa para amyendahan ang "AFP Modernization Act" o Batas Republika Blg. 7898. Ipinasa ito ni Pangulong Benigno S. Aquino III noong 11 Disyembre 2012. Layunin ng batas ang paunlarin ang kapasidad ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) para matugunan ang mga banta sa seguridad ng bansa, tulad na lamang ng sigalot sa Dagat Timog Tsina.

Sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program, binigyan ng kakayahan ang AFP para bumili ng mga kagamitan para mapaunlad ang mga hukbong pandagat, katihan at panghimpapawid ng bansa.

Ayon sa batas, ipapatupad ang programa sa loob ng labinlimang taon, at may pondong P75 bilyon para sa unang limang taon.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.