Reno Maniquis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Reno Maniquis ay isang manunulat at dibuhista ng komiks sa Pilipinas. Ang pinakabantog niyang likha ay ang serye ng "Maskarado". Naglilimbag din siya ng libreng sample komiks, at "Tabloid Komiks".

Buhay at Karera

Ipinanganak si Reno noong ika-9 ng Enero, 1973, at nag-aral bilang isang dibuhista kay Hal Santiago. Ang unang nailimbag na gawa niya ay isang maikling kuwentong lumabas sa Holiday Komiks noong siya ay labing tatlong taong gulang pa lamang.

Habang nag-aaral siya sa ilalim ng pagtuturo ni Hal, nagsimula na siyang magsulat ng maiikling kuwento para sa Graphic Arts Service, Inc. (GASI). Makalipas ang ilang buwan, naging dibuhista na siya ng komiks noong taong 1987. Nagpatuloy siya sa ganitong trabaho hanggang 1989.

Noong 1992, sinimulan niya ang komiks na "Maskarado" para sa diyaryong Tempo. Tumagal lamang ito ng anim na buwan dahil mas pinili niyang ituon ang atensyon sa pag-aaral. Noong 2000, siya na mismo ang naglimbag ng "Maskarado" bilang isang indipendiyenteng libro ng komiks.

Nabigyan ng parangal ang ginawa niyang "Siglo: Passion Anthology" sa ilalim ng Nautilus Comics, at siya'y naglimbag ng "Tabloid Komiks", isang libreng pample na nagpapakita ng mga Filipino na gumagawa ng komiks.

Trabaho sa ibang bansa

Nakapag-ambag si Reno sa Colours Magazine sa Europa, at gumawa ng komiks sa Amerika tulad ng "The Hierograph" para sa Twenty To Six Books at "Slop, Ultimate Comics’ Stormblazer" para sa 803 Studios’ Sequential Suicide.

Si Reno ay kasalukuyang nakatalaga sa mga gawaing pang-dibuhista sa "Walls of Angels" ng Twenty to Six Books, at inaasahang guguhit para sa "Graphic Classics" sa ilalim ng Eureka productions. Siya rin ay nagtitinta para sa isang indie comic sa Amerika, ang "Tales of Lightning Squirrel", at sa ibang pahina ng "Gilbert Monsanto's Tropa" sa ilalim ng Sacred Mountain Productions.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Buhay at Sining Kategorya:Tala ng mga Dibuhista ng Komiks Kategorya:Komiks