Remedios AIDS Foundation, Inc.

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Template:Infobox Organization

Ang Remedios AIDS Foundation, Inc. (RAF) ay isang di-gobyernong organisasyon sa Pilipinas na nagmamalasakit sa mga taong may Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Defficiency Syndrome (AIDS).

Deskripsiyon

Ang Remedios AIDS Foundation, Inc. (RAF) ang namamahala sa mga programa at serbisyo ng Remedios AIDS Center. Itinatag ito noong 1991 na may mga tauhan at boluntaryong eksperto sa iba-ibang larang. Sama-sama sila sa pagpupunyaging mahadlangan ang pagsasalin-salin ng HIV para maiwasan ang sakit na AIDS.

Ang organisasyong ito ay may mga programang tumutulong sa mga babae, sex worker, kabataan, bakla, o lalaking nakikipagrelasyon sa kapuwa lalaki, tao na may HIV at AIDS, at sa pamilya at mga kaibigan nito. Ibinabagay sa konteksto ng lipunan at kulturang Pilipino ang pagsasakatuparan sa mga programa at pagkakaloob ng serbisyo.

Ang kauna-unahang kaso ng AIDS sa Pilipinas ay naitala noong 1984 nang mamatay ang isang dayuhan na may sakit ding pulmonya. Noong 1987, ang Kagawaran ng Kalusugan ay nagpasimula ng HIV/AIDS Registry, isang sistema ng pagtatala upang masubaybayan ang epidemya ng HIV sa bansa.

Bisyon

Isang patas at makatarungang mundo kung saan ang mga tao ay may kakayahang makamtan ang nararapat na kaalaman sa usaping-seksuwal at reproduktibong kalusugan at pangangalaga partikular na ang mga taong may HIV at AIDS upang maisakatuparan ang kanilang karapatang pang-seksuwal at pang-reproduktibo.

Misyon

Ang RAF ay mangunguna sa pagpapabuti ng kalusugan (seksuwal at reproduktibo) ng lahat at nakatuon sa mga taong may HIV at AIDS sa pamamagitan ng mga programang nangangalaga, nakaiintindi, nakatutugon sa kasarian, at naaayon sa karapatan.==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.