Rehiyon VI (Kanlurang Visayas)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Rehiyon ng Panay (Dating Kanlurang Kabisayaan) (Ingles:Western Visayas), ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, at tinalaga bilang Rehiyon VI. Binubuo ito ng limang lalawigan: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo at ng tatlong mga lungsod. Ang Lungsod ng Iloilo ang sentrong pangrehiyon.[1]

Western Visayas

Mga Bahaging Lungsod

Kasaysayan

Ang rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan ay nabuo mula sa lalawigan ng Aklan, Antique, Iloilo (kasama ang noon ay bahaging lalawigan na Guimaras), at Negros Occidental sa pamamagitan ng Kautusang Pampangulo Bilang 1 bilang bahagi ng Integrated Reorganisation Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos

Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon VI (Kanlurang Kabisayaan) noong Mayo 23, 2005 ayon sa EO 429.[2] Inihayag noong Hunyo 2005 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagsasakumpleto ng paglipat.[3] Subalit binatikos ng mga Palaweños ang paglipat, sinasabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan ng mga residente ng Lungsod ng Puerto Princesa at ang lahat ng mga bayan nito maliban sa isa, ay nais na manatili sa Rehiyon IV-B. Dahil doon, nagkaroon ng Kautusang Administratibo Bilang 129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan. Ang kautusan ito ang nagpapaliban sa EO 429.[4] Kaya, ang Palawan ay kasalukuyang pa ring bahagi ng Rehiyon IV-B.

Noong ika-29 ng Mayo, 2015, inihiwalay ang lalawigan ng Negros Occidental mula sa Kanlurang Bisayas at inilipat ito sa kakabuong Rehiyon ng Isla ng Negros sa pamamagitan ng EO blg. 183, s. 2015 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino.[5]

Mga talasanggunian

  1. http://www.mgb6.org/about-mgb-region-6/
  2. President of the Philippines. Executive order No. 429. Office of the Press Secretary.
  3. "Palawan, Puerto Princesa Transfer to Region VI" (Press release). Government of the Philippines - News. 3 June 2005.
  4. President of the Philippines (August 19, 2005). Administrative Order No. 129. Office of the Press Secretary.
  5. http://www.gov.ph/2015/05/29/executive-order-no-183-s-2015/