Rehiyon VII
Ang Gitnang Visayas o Rehiyon VII ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Sentral Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor. Kinapapalooban din ang rehiyon ng tatlong independyente lungsod sa usaping administraibo ito ang amg mga lungsod ng Cebu, Lapu-lapu at Mandaue na matatagpuan sa lalawigan ng Cebu.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[1]:
- Lungsod ng Tagbilaran, Bohol
- Lungsod ng Bogo, Cebu
- Lungsod ng Carcar, Cebu
- Lungsod ng Cebu, Cebu
- Lungsod ng Danao, Cebu
- Lungsod ng Lapu-lapu, Cebu
- Lungsod ng Mandaue, Cebu
- Lungsod ng Naga, Cebu
- Lungsod ng Talisay, Cebu
- Lungsod ng Toledo, Cebu
- Lungsod ng Bais, Negros Oriental
- Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental
- Lungsod ng Canlaon, Negros Oriental
- Lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental
- Lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental
- Lungsod ng Tanjay, Negros Oriental
Pagkakahating Pulitikal[2]
Lalawigan | Kabisera | Sukat(km²) | Densidad(bawat km²) |
Bohol | Lungsod ng Tagbilaran | 4,820.95 | 255.16 |
Cebu | Lungsod ng Cebu | 5,342.00 | 456.57 |
Siquijor | Siquijor | 337.49 | 259.84 |
Negros Oriental | Lungsod ng Dumaguete | 5,385.53 | 228.74 |
Populasyon
Batay sa senso na nakalap ng National Statistics Office hanggang 1 Mayo 2010, umaabot sa 7,102,438 ang total na populasyon ng rehiyon, kumpara sa 5,393,333 bilang noong 1990. Pinakamarami ang bilang ng mamamayan na bumubuo sa lalawigan ng Negros Occidental. May kabuuang growth rate ang rehiyon na 1.38 sa datos na mula taong 1990 hanggang 2010 [3].
Lalawigan | Populasyon: 1990 – 2000 – 2010 | Growth Rate: 1990-2000 – 2000-2010 – 1900-2010 |
Bohol | 948,40 – 1,139,130 – 1,255,128 | 1.85 – 0.97 – 1.41 |
Cebu (hindi pa kasama ang ang mga Lungsod ng Cebu, Lapu-lapu at Mandaue) | 1,709,621 – 2,160,569 – 2,619,362 | 2.37 – 1.94 – 2.15 |
Lungsod ng Cebu | 610,417 – 718,821 – 866,171 | 1.65 – 1.88 – 1.76 |
Lungsod ng Lapu-lapu | 146,194 – 217,019 – 350,467 | 4.03 – 4.91 – 4.47 |
Lungsod ng Mandaue | 180,285 – 259,728 – 331,320 | 3.72 – 2.46 – 3.09 |
Negros Oriental | 925,272 – 1,130,088 – 1,286,666 | 2.02 – 1.31 – 1.6 |
Siquijor | 73,932 – 81,598 – 91,066 | 0.99 – 1.10 – 1.05 |
Total | 4,594,124 – 5,706,953 – 6,800,180 | 2.19 – 1.77 – 1.98 |
Pamumuno
Narito ang lista ng ihinalal na pinuno at representante sa kongreso ng bawat lalawigan at distrito na magsisilbi sa mamamayan ng Rehiyon ng Gitnang Visayas mula 2013 hanggang 2016 [4].
Lalawigan | Gobernador | Bise Gobernador | Mga Kinatawan sa Kongreso |
Bohol | Edgar Chato | Conception Lim | Rene Relampagos, Unang Distrito; Erico Aumentado, Ikalawang Distrito; Arthur Yap, Ikatlong Distrito |
Cebu | Hilario Davide III | Agnes Magpale | Eduardo R. Gullas, Unang Distrito; Willy Caminero, Ikalawang Distrito; Gwen Garci, Ikatlong Distrito; Benhur Salimbangon, Ika-apat na Distrito; Ace Durano, Ikalimang Distrito; Luigi Quisimbing, Ika-anim na Distrito; Raul del Mar, Unang Distrito ng Lungsod ng Cebu; Bebot Abellanosa, Ikalawang Distrito ng Lungsod ng Cebu; Aileen Radaza, Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Lapu-lapu |
Negros Oriental | Roel Degamo | Mark Macias | Jerry Paras, Unang Distrito; George Arnaiz, Ikalawang Distrito; Henry Teves, Ikatlong Distrito |
Siquijor | Jecoy Villa | Fernando Avanzado | Jay Pernes, Nag-iisang Distrito |
Sanggunian
- National Statistics Office. Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities: Based on 1990, 2000, and 2010 Censuses (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- www.census.gov.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
- Table 1. Total Population, Land Area, and Population Density by Region: 2010 www.census.gov.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
- www.nscb.gov.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
Panlabas na Kawing
- philippinesmyphilippines.wordpress.com (hinango noong 28 Hunyo 2013)
- www.philippine-islands.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Kategorya:Pilipinas Kategorya:Rehiyon sa Pilipinas Kategorya:Populasyon sa Pilipinas