Rehiyon VI
Ang Kanlurang Visayas o Rehiyon VI ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Napapagitnaan ang rehiyon ng Dagat Sibuyan at Dagat Visayas. Binubuo ng iba't ibang pulo ang Rehiyon ng Kanlurang Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.
Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[1]:
- Lungsod ng Roxas, Capiz
- Lungsod ng Iloilo, Iloilo
- Lungsod ng Passi, Iloilo
- Bacolod, Negros Occidental
- Lungsod ng Bago, Negros Occidental
- Lungsod ng Cadiz, Negros Occidental
- Lungsod ng Escalante, Negros Occidental
- Lungsod ng Himamaylan, Negros Occidental
- Lungsod ng Kabankalan , Negros Occidental
- Lungsod ng La Carlota, Negros Occidental
- Lungsod ng Sagay, Negros Occidental
- Lungsod ng Silay, Negros Occidental
- Lungsod ng San Carlos, Negros Occidental
- Lungsod ng Sipalay, Negros Occidental
- Lungsod ng Talisay, Negros Occidental
- Lungsod ng Victorias, Negros Occidental
Ang politikal at administratibong sentro ng rehiyon ay ang Lungsod ng Iloilo.
Mga Bundok at Bulkan
Matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas ang ilan sa mga bundok tulad ng Bulkang Kanla-on, Bundok Mandalangan at Bundok Cuernos sa Isla ng Negros, Bundok Madja-as sa Isla ng Panay[2].
Pagkakahating Pulitikal[3]
Lalawigan | Kabisera | Sukat(km²) | Densidad(bawat km²) |
Aklan | Kalibo | 1,821.42 | 271.83 |
Antique | San Jose | 2,729.17 | 188.80 |
Capiz | Lungsod ng Roxas | 2,594.64 | 270.43 |
Guimaras | Jordan | 604.57 | 250.16 |
Iloilo | Lungsod ng Iloilo | 5.079.17 | 333.10 |
Negros Occidental | Lungsod ng Bacolod | 7,965.21 | 297.58 |
Populasyon
Batay sa senso na nakalap ng National Statistics Office hanggang 1 Mayo 2010, umaabot sa 7,102,438 ang total na populasyon ng rehiyon, kumpara sa 5,393,333 bilang noong 1990. Pinakamarami ang bilang ng mamamayan na bumubuo sa lalawigan ng Negros Occidental. May kabuuang growth rate ang rehiyon na 1.38 sa datos na mula taong 1990 hanggang 2010 [4].
Lalawigan | Populasyon: 1990 – 2000 – 2010 | Growth Rate: 1990-2000 – 2000-2010 – 1900-2010 |
Aklan | 380,497 – 451,314 – 535,725 | 1.72 – 1.73 – 1.72 |
Antique | 406,361 – 472,822 – 546,031 | 1.53 – 1.45 – 1.49 |
Capiz | 584,091 – 654,156 – 719,685 | 1.14 – 0.96 – 1.05 |
Guimaras | 117,990 – 141,450 – 162,943 | 1.83 – 1.42 – 1.63 |
Iloilo (hindi pa kasama ang Lungsod ng Iloilo | 1,337,981 – 1,559,182 – 1,805,576 | 1.54 – 1.48 – 1.51 |
Lungsod ng Iloilo | 309,505 – 366,391 – 424,619 | 1.70 – 1.49 – 1.59 |
Negros Occidental (hindi pa kasama ang Lungsod ng Bacolod) | 1,892,728 – 2,136,647 – 2,396,039 | 1.22 – 1.15 – 1.19 |
Lungsod ng Bacolod | 364,180 – 429,076 – 511,820 | 1.65 – 1.78 – 1.71 |
Total | 5,393,333 – 6,211,038 – 7,102,438 | 1.42 – 1.35 – 1.38 |
Pamumuno
Narito ang lista ng ihinalal na pinuno at representante sa kongreso ng bawat lalawigan at distrito na magsisilbi sa mamamayan ng Rehiyon ng Kanlurang Visayas mula 2013 hanggang 2016 [5].
Lalawigan | Gobernador | Bise Gobernador | Mga Kinatawan sa Kongreso |
Aklan | Joeben Miraflores | Billie Calizo-Quimpo | Teodorico Haresco, Jr., Nag-iisang Distrito |
Antique | Exequiel Javier | Rhodora Cadiao | Paolo Javier, Nag-iisang Distrito |
Capiz | Vic Tanco | Nonoy Contreras | Antonio A. Del Rosario, Unang Distrito; Jane T. Castro, Ikalawang Distrito |
Guimaras | Samuel Gumarin | Vicente de Asis | JC Rahman Nava, Nag-iisang Distrito |
Iloilo | Arthur Defensor | Boboy Tupas | Richard Garin, Unang Distrito; Gorriceta Arcadio, Ikalawang Distrito; Arthur Defensor, Jr., Ikatlong Distrito; Jun Biron, Ika-apat na Distrito; Junjun Tupas, Ikalimang Distrito; Jerry Treñas, Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Illoilo |
Negros Occidental | Alfredo Marañon, Jr. | Bong Lacson | Jules Ledesma, Unang Distrito; Bebo Cueva, Ikalawang Distrito; Albee Benitez, Ikatlong Distrito; Jeffrey Ferrer, Ika-apat na Distrito; Alejandro Mirasol, Ikalimang Distrito; Mercedes Alvarez, Ika-anim na Distrito; Bing Leonardia, Nag-iisang Distrito ng Lungsod ng Illoilo |
Sanggunian
- National Statistics Office. Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities: Based on 1990, 2000, and 2010 Censuses (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- en.wikipilipinas.org (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- www.congress.gov.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
Panlabas na Kawing
- 2013electionresults.comelec.gov.ph (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- election-results.rappler.com (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- [www.namria.gov.ph (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- www.philippine-islands.ph (hinango noong 27 Hunyo 2013)
- en.wikipilipinas.org (hinango noong 27 Hunyo 2013
- Table 1. Total Population, Land Area, and Population Density by Region: 2010 www.census.gov.ph (hinango noong 28 Hunyo 2013)
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |
Kategorya:Pilipinas Kategorya:Rehiyon sa Pilipinas Kategorya:Populasyon sa Pilipinas