Rehiyon I (Ilocos)

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Rehiyon I o Rehiyong Ilocos ay isa sa 17 administratibong rehiyon ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Ito ay nasa hanggahan ng Cordillera Administrative Region at Rehiyon II (Cagayan Valley) sa silangan, Rehiyon III (Gitnang Luzon) sa timog, at West Philippine Sea sa kanluran. Ito ay kasalukuyang sumasaklaw sa apat na lalawigan: Ilocos Norte, Ilocos Sur, Nueva Vizcaya, at Quirino. Ang sentrong panrehiyon nito ay ang Lungsod San Fernando, La Union.[1]

Kasaysayan

Bago dumating ang mga Espanyol, ang kapatagan sa baybayin ng hilagang-kanluran ng Luzon, mula sa Bangui (Ilocos Norte) sa hilaga hanggang Namacpan (La Union) sa timog, ay kilalang progresibong rehiyon na mayaman sa ginto. Ang rehiyon, na nakapagitan sa Dagat Tsina (West Philippine Sea) sa kanluran at Hilagang Kordilyera, ay nakahiwalay sa iba pang bahagi ng Luzon.[2]

Ang Rehiyong Ilocos ay dating isang lalawigan lamang, na isa sa may pinakamalaking populasyon sa bansa. Ang malaking populasyon nito ang dahilan kung bakit nabuo ang mga lalawigan ng Pangasinan (1611), Ilocos Norte at Ilocos Sur (1846), La Union (1854), Abra (1846), at Benguet (1966).[2]

Ang mga mamamayan nito ay nagtayo ng mga pamayanan sa malilit na lóok. Ang mga naninirahan sa mga baybayin ay tinatawag na Ylocos, nangangahulugang “mula sa mga kapatagan.” Ang sinaunang rehiyon ay tinatawag na Samtoy, mula sa “sao mi daytoy.” Nang dumating ang mga Espanyol, tinawag nila itong “Ilocos” at ang mga mamamayan nito ay “Ilocanos.”[2]

Sa ilalim ng Atas Pampangulo Blg. 244 noong 1973, ang Rehiyong Ilocos ay binubuo ng pitong lalawigan: Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, at Pangasinan. Nang mabuo ang Cordillera Administrative Region (CAR), sa ilalim ng Atas Tagapagpaganap Blg. 220 noong 15 Hulyo 1987, may mga lalawigan sa Rehiyon I ang nailipat sa CAR.[3]

Heograpiya

Ang kabuoang lupain ng Rehiyon I ay 1,297,000 ektarya. Sa mga lalawigan ng rehiyon, ang Pangasinan, kasama ang Lungsod Dagupan, ang may pinakamalawak na lupain na may 546,000 ektarya, sumasaklaw sa 42% ng kabuoang lupain.[3]

Ang kasalukuyang Rehiyon I ay binubuo ng apat na lalawigan: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan; isang independent city: Dagupan City; walong lungsod: Lungsod Batac, Lungsod Laoag, Lungsod Vigan, Lungsod San Fernando, Lungsod Alaminos, Lungsod San Carlos, at Lungsod Urdaneta; 116 munisipalidad; at 3,265 barangay.[3]

Kultura

Ang mga Ilokano ay may mayamang kultura. Masasalamin pa rin sa kasalukuyan ang impluwensiya ng mga Espanyol tulad ng Lungsod Vigan, na kinikilala noon bilang “Intramuros ng Norte.”[2]

Masasalamin din ang malalim na debosyon ng mga Ilokano sa Kristiyanismo. Nananatiling nakatayo pa rin ang mga simbahan na ipinatayo ng mga prayle noong panahon ng kolonyalismo tulad ng Simbahang Paoay (Simbahan ng San Agustin), Simbahang Santa Maria (Simbahang La Asuncion De La Nuestra Señora). Ang dalawang nabanggit na simbahan ay kabilang sa Talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO.[2]

Ang mga katutubong sayaw ng mga Ilokano ay ang dinaklisan (sayaw ng mga mangingisda), ababel (sayaw ng mga manghahabi), at agdamdamili (sayaw ukol sa paggawa ng palayok). Ilan pa sa mga popular na sayaw ng mga Ilokano ay ang Tadek, Habanera, Comintan, Saimita, Kinotan, at Kinnalogong.[2]

Demograpiya

Ayon sa huling tala ng Philippine Statistics Authority noong 2018, tinatayang nasa 5,026,128 katao ang populasyon ng rehiyon. Tinatayang 66% nito ay Ilokano, 27% ay Pangasinense, at 3% ay Tagalog.[4]

Ekonomiya

Ang katimugang bahagi ng Rehiyon I, partikular ang Pangasinan, ay nakatuon sa agro-industriyal at industriya ng serbisyo. Ang hilagang bahagi naman ay nakatuon sa agrikultura. [1]

Kabilang sa mga negosyo sa agro-industriyal ay ang pagpapalaki at pagproseso ng bangus, paghahayupan, paggawa ng bagoong, at iba pa. May mahalagang bahagi rin ang sektor ng kalakalan, serbisyong pampinansiyal, eserbisyong pang-edukasyon. Ang kíta ng hilagang bahagi ng Ilocos ay nagmumula naman sa pagtatanim ng palay, tabako, mais, tubó, at prutas. Kasama rin dito ang pag-aalaga ng baboy, manok, kambing, at kalabaw.[1]

Aktibo rin ang kalakalan sa daungan ng barko sa Lungsod San Fernando, La Union at may internasyonal na paliparan nam,an sa Lungsod Laoag, Ilocos Norte.[1]

Turismo

May mahala ring papel ang turismo sa maunlad na ekonomiya ng rehiyon. Narito ang mga lugar na maaaring puntahan sa rehiyon: [1]

Ilocos Norte

Marcos Museum

Batac Parish

San Nicolas Church

Sinking Belltower, Laoag City

Paoay Lake

Fort Ilocandia Hotel

Paoay Golf Course

Paoay Church

Laoag Cathedral

Aglipay Shrine

Malacanang Of The North

Patapat Bridge

Gilbert Bridge

Ilocos Norte Capitol

Cape Bojeador Lighthouse

Bangui Windmills

Ilocos Norte Museum

Juan Luna Shrine

Ricarte Park and Shrine

Badoc Church

Sarrat Church

Dap-ayan, Laoag, Ilocos Norte Food Court and Ilocos Norte Products

La Paz Sandunes, Laoag, Ilocos Norte Fine Sandunes

Ilocos Sur

Vigan Spanish House

Sinait Church

Ilocos Sur Capitol

Santa Maria Church

Pinsal Falls

La Union

La Union Capitol

Pindangan Ruins

La Union Botanical Garden

Wallace Air Station

Thunderbird Resort and Casino

La Union Surfing Capital (San Juan)

Bauang Beach

Pangasinan

Hundred Islands

Pangasinan Capitol

The Shrine of Our Lady of Manaoag

San Carlos City Plaza

San Juan River in San Carlos City

Bonuan Blue Beach in Dagupan City

Antong Falls

Cacupangan Cave

Mount Balungao

Manleluag Spring National Park

Sanctuario de Senor Divino Tesoro

Salasa Church

Lingayen Gulf War Museum

Bolinao Museum

Oceanographic Marine Laboratory

Red Arrow Marker of the WWII 32nd US Infantry Division

Rock Garden Resort

Umbrella Rocks

Urduja House

St. John Cathedral Garden

Caves in Bolinao

Boat ride in Pantal River

Provincial Capitol

Narciso Ramos Sports and Civic Center

Hundred Islands Marine Sanctuary

Tondol Beach

Tambobong White Beach

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 “Profile of Region I.” Department of Trade and Industry. https://www.dti.gov.ph/regions/region-1/profile/. Accessed 23 Marso 2021.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Ben Pacris. “Ilocano Lowland Cultural Community.” NCCA. https://ncca.gov.ph/about-ncca-3/subcommissions/subcommission-on-cultural-communities-and-traditional-arts-sccta/northern-cultural-communities/ilocano-lowland-cultural-community/. Accessed 23 Marso 2021.
  3. 3.0 3.1 3.2 Agriculture 2012: Ilocos Region. Philippine Statistics Authority. https://psa.gov.ph/sites/default/files/CAF2012Agri_Reg1.pdf. Accessed 23 Marso 2021.
  4. “Quickstat on Region I (Ilocos Region) - January 2018.” Philippine Statistics Authority. https://psa.gov.ph/content/quickstat-region-i-ilocos-region-january-2018. Accessed 23 Marso 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.