Raymund Isaac

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Raymund Isaac.

Si Raymund Isaac (28 Hunyo 1962 - 4 Setyembre 2021) ay isang Pilipinong celebrity at fashion photographer. Kilala siya bilang ang unang celebrity photographer sa Pilipinas. Dahil sa kaniyang talento, naging paborito siyang photographer ng iba't ibang mga advertiser, magasin, film studios at celebrities. Kabilang sa kaniyang mga nakuhanan ng retrato ang mga sikat na artista sa Pilipinas katulad nina Vilma Santos, Piolo Pascual, Lea Salonga at Judy Ann Santos.

Nagsimula si Isaac bilang isang fashion editorial photographer bago lumipat sa advertising. Pinarangalan siya sa fashion and beauty category ng American Photo Magazine sa loob ng apat na magkakasunod na taon. Kinilala rin siya para sa kaniyang proyekto kasama ang Evian at De Beers. Nanalo rin siya sa limited edition book category sa Sia Pacific and Japan Region para sa Print Excellence by HP Indigo.

Kilala na ang pangalan ni Isaac noong dekada 2000s sa panahon ng mga magasin. Tinanggap niya ang pagbabago papuntang digital at naging isang live streamer, producer, host, content writer at author.

Noong 2016, naglabas siya ng isang librong inspirational na The Good Photographer kung saan tampok ang kaniyang mga gawa at ang mga aral na natutunan niya sa kaniyang karera.

Kamatayan

Isinugod si Isaac sa California Pacific Medical Center sa San Francisco dahil sa COVID-19 noong Hulyo 2021. Noong ika-1 Agosto 2021, inilipat siya sa intensive care unit para masubaybayan ang kaniyang oxygen level. Namatay siya noong ika-4 ng Setyembre 2021 sa edad na 59.

Ikinasal si Isaac at ang kaniyang partner na si Jayson Vicente noong ika-15 ng Hulyo 2021, ilang linggo lamang bago siya naospital at namatay.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.