Ramon Y. Sy

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ramon Y. Sy ay isang batikang banker sa Pilipinas. Siya ang vice chairman ng Asia United Bank at chairman ng Apex Mining Company, Incorporated. Nagsimula si Sy bilang messenger sa sangay ng Bank of America sa Maynila at kinalaunan ay naging country manager nito.

Naging pangulo at chief executive officer din ng United Coconut Planters Bank at International Exchange Bank si Sy.

Nagtapos si Sy ng kursong commerce mula sa Far Eastern University noong 1952. Miyembro rin siya ng Board of Trustees ng FEU Nicanor Reyes Memorial Foundation simula noong 2016.

Pumanaw si Sy noong ika-17 ng Setyembre 2021 sa edad na 91.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.