Rajah Baginda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Rajah Baginda ay isang prinsipe na dumating sa Buansu, Lupag Sug (na ngayon ay Sulu) noong 1390 C. E. (karaniwang panahon) at pinaniniwalaang nagtatag ng relihiyong Islam sa Mindanao na pinasimulan ni Sharif Makhdum

Pangalan

Naniniwala ang mga dayuhang iskolar na Muslim, na ang pangalang Rajah Baginda ay hindi tunay na pangalan ng prinsipe bagkus ito'y katumbas ng titulong makapangyarihang lider. Ang salitang Rajah ay titulong ibinibigay sa hari ng mga Malay samantalang ang salitang Baginda naman ay titulong katumbas ng isang emperador.

Kasaysayan

Batay sa mga tala ng kasaysayan ng Sulu, si Rajah Baginda ay isa sa mga grupo ng dayuhan na nanggaling sa kaharian ng Sumatra at napilitang lumisan pagkatapos pabagsakin ng kaharian ng Java. Napadpad ang grupo sa Buansu sa Sulu kung saan sila'y tinanggap ng mga lider ng Taguimaha at dahil sa kanilang kaalaman sa pamamahala, napapatag niya at ng mga lokal na lider ang lokal na administrasyon. Sinasabing ang grupo ni Rajah Baginda ay hindi mga manlalakbay o mangangalakal bagkus sila ay nagnanais na tumira sa Sulu upang ipalaganap ang aral ng Islam.

Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.